Sekyu at kahera sinaksak, binaril E-BINGO HINOLDAP NG SUKING CUSTOMER

CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang isang lalaki na binaril at sinaksak ang cashier at security guard ng E-Bingo sa loob ng isang mall sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Neil”, 35, residente ng Brgy. Zone 4, Dasmariñas City, na tumakas matapos ang insidente. Nilalapatan naman ng lunas sa UMC Hospital ang mga biktimang sina Merriam Beluang, cashier, at John Raymond Marzan, 43, security guard ng E-Bingo. Ayon sa ulat, bandang alas-5:19 ng umaga nang mangyari ang insidente sa…

Read More

2 PARAK TODAS SA TAMA NG KIDLAT

ORIENTAL MINDORO – Patay ang dalawang pulis makaraang tamaan ng kidlat sa loob ng kampo ng Regional Mobile Force Battalion sa bayan ng Naujan sa lalawigan noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Patrolman Laudelino Samarita Lomio, 31-anyos, at Patrolman Ruzzel Jay Ferrer Fontarum, 30-anyos, pawang nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa nabanggit na lugar. Ayon sa ulat ni Police Cpl. Fernan Macuha, malakas ang ulan na may kasamang sunod-sunod na pagkidlat sa nasabing lugar dakong alas-10:30 hanggang alas-11:00 gabi. Pagkatapos ng malakas ulan, nagpapatrolya si…

Read More

100 KILO NG SHABU NASAMSAM, 2 HIGH VALUE TARGET TIMBOG

UMABOT sa 100 kilo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680 milyon, ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang high value drug personalities. Ayon sa ulat na ibinahagi ng tanggapa ni PDEA Director General USEC Isagani Nerez, nagsagawa ng joint buy-bust operation ang kanyang mga tauhan nitong Mayo 14, 2025, sa Friendship Highway, Barangay Sto. Domingo, Angeles City, Pampanga. Dito ay nadakip ang dalawang high-value targets (HVTs) at nakumpiska ang tinatayang 101 kilograms ng suspected shabu,…

Read More

3 SASAKYAN INARARO NG LADY DRIVER, 7 SUGATAN

CAVITE – Pito katao ang sugatan kabilang ang babaeng driver ng isang Toyota Vios nang araruhin nito ang tatlong sasakyan sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Pawang nilalapatan ng lunas sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktimang sina Larry Ilodan, Jeerso Vasquez, Henry De Guzman, Jerome Gabriel Lazo, Shgh Balwinder at Jovivon Chavez. Naka-hospital arrest naman sa Tanza Specialist Hospital ang driver ng Toyota Vios na may plakang ZGT 294, na si alyas “Hershey” ng San Rafael II, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat, bandang alas-11:18…

Read More

Waging mayor ng Davao City DUTERTE MAAARI PANG IPROKLAMA – COMELEC

INIHAYAG ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na sa kasalukuyan ay walang utos na suspendihin ang proklamasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang nanalong alkalde sa Davao City. Ayon kay Garcia, walang kautusan na isuspinde ang proklamasyon at bagama’t may nai-file na kaso ngunit hindi pa ito naira-raffle at wala pang aksyon ang division ng Comelec kaya maaaring hindi pa ito maaksyunan sa kasalukuyan. Sinabi ni Garcia, sa ilalim ng batas, maliban na lang kung may utos na suspendihin ang proklamasyon ng isang kandidato, kahit may nakabinbing…

Read More

PINAGBAWALANG UMIGIB NIRATRAT; 1 PATAY, 1 KRITIKAL

CAVITE – Patay ang isang construction worker habang inoobserbahan sa ospital ang kasama nito makaraang pagbabarilin ng suspek na nagbawal sa kanila na mag-igib ng tubig sa isang water pump sa bayan ng Noveleta sa lalawigan noong Lunes ng gabi. Kinilala ang namatay na si Johnwil Fulipinas, 41, habang kritikal ang kalagayan sa ospital ni Crispin Delos Santos, 35, kapwa construction worker. Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Tomasito”, ng Brgy. San Rafael 33, Noveleta, Cavite na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, nagtungo ang…

Read More

MT. KANLAON, BULUSAN MULING NAG-AALBURUTO

NAGLABAS ng alert warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kasunod ng patuloy na pag-alburuto ng Mount Kanlaon at Mount Bulusan na sinabayan ng matitinding mga seismic activity. Ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol, nakapagtala sila sa nakalipas na 24 oras, ng aabot sa 72 volcanic earthquake sa Kanlaon Volcano Network (KVN) sa pagitan ng alas-12:00 ng umaga at alas-12:00 ng gabi. “Also, a total of 135 volcanic earthquakes have been recorded since 12 a.m., Sunday, including relatively strong volcano-tectonic or VT earthquakes,” inihayag ni Bacolcol. “VTs are…

Read More

Eleksyon natuloy sa magulong lugar 800 PULIS PUMALIT SA NATAKOT NA MGA GURO

NASA walong daang mga tauhan ng Philippine National Police mula Luzon ang tumayong Board of Election Inspectors kapalit ng mga guro na umatras bilang BEIs sa ilang bayan sa Lanao del Sur at Maguindanao del Sur, noong araw ng eleksyon. Nabatid na sadyang may mga sinanay na kagawad ng PNP para magsilbing BEI sa mga lugar na posibleng may banta ng karahasan at o kasaysayan ng matinding tunggaliang pulitikal. Ayon kay Maguindanao del Sur election supervisor Allan Kandon, kabilang ang Buluan, Maguindanao del Sur sa mga lugar ang isinailalim sa…

Read More

HARESCO HINDI MAN NADISKWALIPIKA, SIBAK DIN SA HALALAN

Ni Tracy Cabrera KALIBO, Aklan — Nabigo si incumbent Aklan District II representative Teodorico ‘Nonong’ Haresco Jr. sa kanyang reelection bid sa kanyang distrito matapos maungusan lang ng mahigit tatlong libong boto ng kanyang karibal na si Florencio ‘Joeben’ Miraflores ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Sa partial count ng nakakuha si Miraflores ng 88,795 boto habang si Haresco nama’y hindi nakahabol dito sa bilang na 85,253 boto na lubhang napakalayo sa 285 boto ng ikatlong aspirante bilang congressman na si Felicisimo ‘Jun’ Tanumtanum ng Ibajay. Matatandaang inireklamo si Haresco ng…

Read More