ULAN man o araw ay hindi naging hadlang at pinangunahan ng ipinagmamalaki ng lalawigan ng Cavite ang Banda El Gobernador kasama ng 28 pang banda para sa ginanap na Bacoor Town Fiesta nitong Mayo 11 2025 na ginagawa kada taon ng mga mahuhusay na band members at Majorettes ng banda. (Rudy Sim) 304
Read MoreCategory: PROBINSIYA
65-ANYOS NA BOTANTE SA ALBAY, NAMATAY MATAPOS BUMOTO
PATAY ang isang 65-anyos na senior citizen matapos bumoto sa halalan nitong Lunes, ayon sa ulat Philippine National Police (PNP). Kinilala ng Police Regional Office 5 (PRO-5) ang namatay na si Nestor Rensales, nawalan ng malay bandang alas-6:05 ng umaga matapos bumoto sa Oas South Central School sa Barangay Ilaor Sur sa bayan ng Oas sa lalawigan ng Albay. Ayon kay Police Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng PRO-5, si Rensales ay inatake sa puso at agad nilapatan ng paunang lunas ng medical personnel ng Commission on Elections (Comelec)…
Read MoreKAGAMITANG PANDIGMA NASAMSAM NG MILITAR
CAMP SIONGCO, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte – Nasamsam ng tropa ng 601st Infantry (Unifier) Brigade ang iba’t ibang uri ng malalakas na kagamitang pandigma sa nagpapatuloy na clearing operations ng mga sundalo sa Brgy. Mao, sa bayan ng Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur, isang araw bago ang ang eleksyon. Ayon kay Brigadier General Edgar L. Catu, Commander ng 601st Brigade, ang pagkakarekober sa mga armas ay bunga ng sunud-sunod na clearing at combat patrol operations na isinagawa ng mga tropa, batay sa impormasyong ibinahagi ng mga…
Read MoreNAHARANG NA P441 MILYON SA MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT, KONEKTADO SA PAGPATAY KAY QUE?
TINITINGNAN ngayon ng Pambansang Pulisya ang koneksyon ng nakumpiskang pera sa Mactan-Cebu International Airport sa ransom na ibinayad ng pamilya ni Anson Que. Nauna nang naharang noong Biyernes ng gabi ang siyam na indibidwal na kinabibilangan ng dalawang Pinoy at pitong dayuhan bitbit ang pitong bag na puno ng pera. Sa ulat, sasakay ng isang chartered flight mula sa MCIA patungong Manila ang mga suspek nang madiskubre sa X-ray machine na pera ang nilalaman ng kanilang bag dakong alas-9:00 ng gabi dahilan upang makipag-ugnayan ang Aviation Security Unit sa Police…
Read More31 PAG members huli, 3 terorista napatay AFP NASA ELECTION AT FIGHTING MODE
IDINEKLARA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na naka-dual mode ang kanilang buong pwersa bago pa man ang gaganaping national and local election ngayong Lunes. Nasa election at fighting mode ang lahat AFP unified kaya habang abala sa pagbibigay ng seguridad para sa isasagawang May 12 midterm election ay tuloy-tuloy rin ang kanilang opensiba laban sa lawless elements. Sa Northern Luzon Command, may 31 indibidwal na hinihinalang mga kasapi ng private armed groups, ang nadakip ng Special Operations Command’s Trident North at 501st Infantry Brigade sa Barangay Laskig,…
Read MoreOBRERO SINAKYOD NG KABARO, PATAY
CAVITE – Patay ang isang construction worker nang pagsasaksakin ng kanyang kabaro habang nag-iinuman makaraang magtalo hinggil sa trabaho sa bayan ng Indang sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Naisugod pa sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Erni Magallon, binata, ng Brgy. Mahabang Kahoy Cerca, Indang, Cavite ngunit hindi umabot nang buhay. Naka-hospital arrest naman ang suspek na si alyas “Dennis” 47, tubong Negros Occidental, binata at isa ring construction worker, dahil sa mga sugat sa katawan. Una dito, nag-iinuman ang dalawa bandang alas-11:50 ng gabi sa harapan…
Read MorePASASALAMAT, PAG-ASA MENSAHE NG ‘ALYANSA’ SA PAGTATAPOS NG KAMPANYA
MENSAHE ng pasasalamat at pag-asa para sa sambayanang Pilipino ang ipinarating ng mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ang senatorial slate na suportado ni President Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagtatapos ng kanilang campaign period ilang araw bago ang midterm polls sa Lunes, Mayo 12. Nagpasalamat si ‘Alyansa’ campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco sa mga Pilipino, campaign volunteers, local leaders at mga miyembro ng media na sumuporta at naghatid ng balita sa simula pa lang ng pangangampanya ng koalisyon. “Sa pagtatapos ng makasaysayang campaign period na…
Read MoreNO TO VOTE BUYING
IBINALANDRA ni Sogod, Southern Leyte mayoral candidate Rico Cajipe ang karatula na nagsasaad na ibasura ang pamimili ng boto ng mga kandidato ngayong midterm elections. Matapang niyang kinokondena ang malawakang bilihan ng boto hindi lang sa kanilang lalawigan kundi sa iba pang panig ng bansa. Nanawagan si Cajipe sa mga botante na tanggihan ang mga kandidato na lalapit para bumili ng kanilang boto sa Lunes May 12, 2025 para sa national and local elections. (PS) 338
Read More‘SUPREMO’ UMANGAT PA SA FINAL SWS SENATORIAL SURVEY
PUMANG-APAT si Supremo Sen. Lito Lapid sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa lang noong Mayo 2-6 o ilang araw bago ang halalan sa Lunes. Sa survey, pumuwesto si Lapid sa Rank 4-5 at mayroon siyang voter preference na 34%. Pinangunahan ang survey ng kasamahan ni Lapid sa ‘Alyansa’ na si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo nang makapagtala ito ng 45% preference rating habang anim pa sa koalisyon ng administrasyon ang pasok din sa Magic 12 at ito’y sina dating Senate President Tito Sotto, Sen. Ping Lacson, Makati…
Read More