1 PATAY, 4 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 TRUCK

QUEZON – Maririnig ang daing at paghingi ng saklolo ng isa sa mga sakay ng nagsalpukang tatlong truck na ikinamatay ng isang biktima at ikinasugat ng apat na iba pa sa aksidenteng nangyari sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Agad namang dumating ang mga responder mula sa PNP, BFP, MDRRMO at iba pang rescue volunteers at umabot ng mahigit tatlong oras ang isinagawang rescue operation bago nahugot ang lahat ng mga sakay ng nagsalpukang mga truck. Kinailangan pa ng mga itong gumamit ng cutting tools, mga…

Read More

CASH, CAMPAIGN MATERIALS NASAMSAM SA 6 KATAO

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung may kinalaman sa tangkang vote buying ang nasabat na anim katao ilang oras bago magbotohan nitong Lunes, Mayo 12, sa lungsod ng Dagupan. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Dagupan City, bandang 12:08 ng madaling araw noong Lunes nang isagawa ang operasyon sa Sitio Mantipac, Brgy. Mayombo matapos silang makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad. Nasakote sa operasyon sina Michael Datuin Adaban ng Brgy. Mayombo, Dagupan City; Eloisa Marie Dela Cruz Soriano ng Brgy. Domalandan, Lingayen; Krizza Joy Agas Estabillo ng…

Read More

31.6 KILO NG SHABU HULI SA ANTI-NARCOTICS OPS

UMABOT sa 31.6 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na tinatayang nagkakahalaga ng P214 milyon, ayon kay PDEA PIO chief, Director Laurefel “Lawin” Gabales. Sa ibinahaging ulat mula sa tanggapan ni PDEA Director General Usec. Isagani Nerez, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa isang hotel sa Bulacan noong Huwebes at nasamsam ang kabuuang 30 kilo ng shabu na nakalagay sa vacuum-sealed na mga plastic bag, na nagkakahalaga ng P204 milyon. Arestado ang tatlong itinuturing na mga…

Read More

TRIKE SINALPOK NG TRUCK; 1 PATAY, 4 SUGATAN

QUEZON – Isa ang patay habang apat ang sugatan kabilang ang isang bata at isang sanggol, matapos salpukin ng isang truck ang kasalubong na top down tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa national highway sa Brgy. Capalong, sa bayan ng Real sa lalawigan bandang alas-10:00 ng umaga nitong Huwebes. Ayon sa report ng Real Police, dumulas ang truck habang ito ay tumatahak sa basa at kurbadang bahagi ng kalsada hanggang sa napunta sa linya ng kasalubong na tricycle. Kapwa hindi na nakaiwas ang dalawang sasakyan at bumangga ang truck…

Read More

SEKYU NG HOTEL BINARIL NG RIDER

CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang motorcycle rider na bumaril sa isang security guard na naka-duty sa harapan ng isang hotel sa Gen. Trias City noong Huwebes ng gabi. Inilarawan ang suspek na nakamotorsiklo ng isang itim na Yamaha Mio, nakasuot ng green jersey at itim na half face helmet. Nilalapatan naman ng lunas sa Gentri Doctors Hospital ang biktimang si Nilo Martines, isang civilian guard sa Ranchotel Hotel, dahil sa tama ng bala sa hita at kaliwang bahagi tiyan. Ayon sa ulat, naka-duty ang biktima bilang isang…

Read More

BANGSAMORO ELECTION PINAGHAHANDAAN NA NG PHILIPPINE ARMY

MATAPOS ang crucial role na ginampanan ng Philippine Army para matiyak na magiging malaya, maayos, mapayapa at katanggap-tangap ang isinagawang May 2025 national and local elections sa buong bansa, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng Hukbong Katihan ang isasagawang Bangsamoro election. Tiniyak ng pamunuan ng Hukbo ang kahandaan nitong tiyakin ang seguridad sa nalalapit na halalan para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oktubre 13, 2025. Ayon kay Army commanding general, Lt. Gen. Roy Galido, nakahanda ang Hukbong Katihan para tiyakin na magiging mapayapa ang mga…

Read More

LALAKI NIRATRAT SA TERRACE, PATAY

QUEZON – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek bandang alas-8:00 ng gabi noong Miyerkoles, Mayo 14, sa Purok 1, Barangay Malabanban Norte sa bayan ng Candelaria sa lalawigan. Ayon sa Candelaria Police, ang biktima ay kinilalang si alyas “Joe”, 35, residente ng nasabing barangay. Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo umano ang biktima sa kanilang terrace nang biglang sumulpot ang suspek at pinaputukan ito ng ilang beses sa ulo na agad nitong ikinamatay. Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang suspek patungong Candelaria-San Juan Road.…

Read More

P680-M SHABU NASABAT SA ANGELES, 2 ARESTADO

PAMPANGA – Arestado ang dalawang hinihinalang high value individuals (HVIs) at nakumpiskahan ng 101 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P680 milyon ang halaga, sa isinagawang joint anti-illegal drugs buy-bust operation sa Friendship Highway, Brgy. Sto. Domingo, Angeles City noong Mayo 14, 2025. Ang drug entrapment ay pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Angeles City Police Office – Drug Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kabilang ang AFP-Counter Intelligence Group, PNP Information Technology Management Service, Regional Intelligence Division PRO3, Regional Police Drug Enforcement Unit…

Read More

VOTERS TURN-OUT SA BICOL, MAKASAYSAYAN – COMELEC

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na makasaysayan ang resulta ng voters turn-out sa Bicol Region. Ito ay dahil sa datos ng Comelec, sa mahigit apat na milyong rehistradong botante sa nasabing rehiyon ay umabot sa 3.4 milyon ang nakaboto na katumbas ng 85.12% voters turn-out. May pinakamaraming bumoto sa Albay, sinundan ng Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate at Sorsogon. Kumpiyansa naman ang Comelec na matatapos ngayong araw ang canvassing ng mga Certificate of Canvass o COC. Tapos na rin ang transmission ng COC ng district at provincial, Special…

Read More