SA gitna ng kabi-kabilang reklamo laban sa traffic enforcers, isang panukala ang inihain sa Kamara sa hangaring kastiguhin ang abusado habang danyos naman para sa mga tsuper na biktima ng gawa-gawang paglabag sa batas trapiko. Sa House Bill 3366 na inihain ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita, babayaran ng estado ang mga driver na hinuhuli ng mga traffic enforcer kapag napatunayan na ilegal at gawa-gawa lang ang mga paglabag ng mga ito sa batas trapiko. Sa hanay naman ng mapapatunayang abusado sa pagiging tagapangasiwa sa daloy ng trapiko, suspensyon at…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
2 baka tinangkang itawid sa ilog MAGSASAKA TINANGAY NG AGOS SA BENGUET
NATAGPUAN na ang nawawalang bangkay ng isang lalaki na tinangay ng agos nang tangkain niyang itawid sa kabila ng ilog ang dalawang alagang baka sa lalawigan ng Benguet, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ng Benguet PNP ang biktimang si Mateo Dal-it, 46-anyos, natagpuan ang bangkay matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation sa Bakun River sa Barangay Poblacion, Bakun. Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong Miyerkules, Agosto 17, nang i-report ang umano’y pagkalunod ng biktima. Lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP, sinubukang itawid ni Dal-it sa…
Read More2 BABAE, 2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA KOTSE
RIZAL – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa pagpatay sa apat na katao, na kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki, na natagpuang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban. Ayon sa inisyal na ulat, natagpuan ng ilang residente ang kotse na may plakang NGU-1923 at nasilip sa loob nito ang duguang bangkay ng mga biktima. Nabatid mula kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., iniimbestigahan nila kung baril o matalas na bagay ang ginamit sa brutal na pagpatay at kung sino ang mga biktima. Sa pagitan ng…
Read MoreTROPICAL DEPRESSION FLORITA POSIBLENG MAGING MALAKAS NA BAGYO
NGAYON pa lamang ay nagbabala na sa publiko ang National Disaster Risk Reduction Management Council at state weather bureau na maging handa dahil posible umanong maging isang Tropical Storm ang Bagyong Florita. Kasalukuyang binabantayan ng PAGASA ang Low pressure Area (LPA) na inaasahang magiging ganap na bagyo at maaaring umabot sa tropical storm category sa susunod na dalawang araw. Ayon sa PAGASA, base sa kanilang Tropical Cyclone Bulletin no. 1, wala pang nakataas na tropical cyclone wind signal. Kahapon ay hindi pa ganap na naramdaman ang epekto ng Tropical Depression…
Read MoreMAG-INA PATAY SA SUNOG
NASAWI ang 62-anyos na ginang at kanyang anak matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Ormoc City, Leyte madaling araw ng Linggo, ayon sa Bureau of Fire Protection. Sa inisyal na ulat na ibinahagi ng Ormoc City PNP at mga arson prober ng BFP, kinilala ang mga biktima na sina Belen Sumalinog, 62 at Lyndon Sumalinog Mendoza, 36-anyos. Sinasabing hindi kaagad nakalabas ng kanilang bahay ang mag-ina nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang tinitirhan na nasa Barangay Cogon, alas-2 ng madaling araw. Sinubukan umano ng mga kapitbahay na iligtas…
Read MoreBULACAN PNP KASADO NA SA ‘BALIK ESKWELA 2022’
CAMP General Alejo S. Santos, City of Malolos, Bulacan – Inanunsyo ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), sa pangunguna ni OIC Provincial Director, P/Lt. Col. Jacqueline Puapo, nasa kabuuang 297 police personnel kabilang ang Covid-19 patrollers, ang nakatakdang i-deploy sa pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad gayundin sa ‘areas of convergence’ at ibang vital facilities bilang paghahanda sa “Ligtas Balik Eskwela” sa Lunes, Agosto 22, 2022. “In response to the requirements and inquiries relevant to the opening of schools, the Bulacan PPO created Police Assistance Desks (PADs), in the…
Read More1 PANG BANGKAY NATAGPUAN SA HIGHWAY SA QUEZON
QUEZON – Isa na namang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki ang natagpuan sa gilid ng highway sa bayan ng Pagbilao sa lalawigang ito, nitong Sabado ng umaga. Batay sa ulat ng Pabilao PNP, dakong alas-7:40 ng umaga nang madiskubre ang bangkay sa gilid ng Maharlika highway sa Sitio Sapinit, Brgy. Silangang Malicboy. Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoriad, natuklasan na may sugat ito sa ulo na hinihinalang tama ng bala ng baril. Subalit wala namang mga basyo ng bala na natapuan sa lugar. Ayon sa mga imbestigador, posibleng…
Read MoreAFRICAN SHABU COURIER, TIMBOG SA NAIA
NA-INTERCEPT ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa tulong ng Bureau of Customs (BOC) Anti-Illegal Drugs Task Group (AIDG), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang may-ari ng 21,215 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na tinatayang umabot sa P144.3 milyon ang halaga. Ayon sa report, kinilala ang suspek na si Mark Wienand, 60-anyos, isang African national, dumating noong Biyernes ng gabi sa NAIA Terminal 3, via Doha, Qatar galing sa South Africa. Batay sa impormasyon, itinago ang shabu sa kanyang dalawang luggage na may marking “Power…
Read MoreBRGY. KAGAWAD NA DJ NG LOCAL RADIO, WANTED SA RAPE
QUEZON – Nahaharap sa kasong rape at act of lasciviousness ang isang barangay kagawad na disc jockey (DJ) rin ng isang lokal na himpilan ng radio, makaraang ireklamo ng isang 13-anyos na dalagita sa bayan ng Gumaca sa lalawigang ito. Kasama ang kanyang nanay ay nagharap ng reklamo ang dalagita sa himpilan ng Gumaca Police Station laban sa DJ at kagawad na kanyang kabarangay. Nangyari umano ang paghahalay sa dalagita nito pang mga nakaraang buwan. Matapos pumutok ang isyu, hindi na nag-report sa kanyang pinapasukang radio station ang DJ at…
Read More