PINAGTIBAY ng mga mambabatas sa United States ang batas na maglalaan ng $2.5 bilyon na security assistance sa Pilipinas. Ang Philippines Enhanced Resilience Act (PERA Act), na inihain nina Senators Bill Hagerty at Tim Kaine, ay inaantabayanan na malagdaan ni Pangulong Donald Trump. Sakaling tuluyan itong maging batas at mapagtibay, magbibigay ito ng hanggang $500 milyon kada taon mula 2026 hanggang 2030, bilang Foreign Military Financing (FMF) grant assistance, na aabot sa kabuuang $2.5 bilyon sa loob ng limang taon. Pakay ng nasabing batas na mapalakas at modernisahin ang kakayahan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
16 PULIS SINIBAK SA INUMAN SA PRESINTO
KINUMPIRMA ni Region 8 Public Information Office chief, Police Lt. Col. Analiza Catilago-Armeza na sinibak sa pwesto ang 16 pulis mula sa Dolores, Eastern Samar Police Station. Sa isinagawang phone interview ng mga reporter sa Camp Crame, 16 na pulis ang sinibak kabilang ang kanilang hepe, na may ranggong Police Captain, matapos na mag-inuman sa loob ng presinto noong Disyembre 15. Ayon kay Armeza, Christmas Party ng mga pulis noong Disyembre 15 at nagkaroon ng inuman habang naka-duty at napag-alaman na naroon din mismo ang kanilang hepe. Sa ngayon, nasa…
Read More5 TULAK ARESTADO SA P.4-M SHABU SA CAVITE
CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individuals (HVIs) at street level individuals (SLIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Hawak ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Amo”, “Sherry”, kapwa nasa listahan ng HVIs; alyas “Joel”, “Nervin” at “Carla”, pawang nasa listahan ng SLIs. Ayon sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial…
Read MoreWALANG SAPLOT NA BANGKAY NG DALAGITA NATAGPUAN SA CREEK SA BATANGAS
BATANGAS – Bumungad sa isang ama ang pinakamasakit na tanawin sa kanyang buhay nang matagpuan ang bangkay ng kanyang dalagitang anak sa isang creek sa Barangay Maugat, sa Tanauan City noong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Tanauan City Police Station, bandang alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng ama ang walang buhay at walang saplot na katawan ng biktima matapos ang magdamag na paghahanap, nang hindi makauwi ang anak mula noong Martes ng gabi, Disyembre 16. Agad namang ini-report ng tiyahin ng biktima ang insidente sa pulisya bandang…
Read MoreIMBAKAN NG MGA ARMAS NADISKUBRE NG PNP AT AFP SA CAMARINES NORTE
CAMARINES NORTE – Nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang matataas na kalibre ng baril sa isinagawang intelligence driven operation sa Brgy. Exciban, sa bayan ng Labo sa lalawigan. Nakuha sa lugar ang 15 units ng M16A1 rifle, 1 unit ng M14 rifle, 2 pirasong M653, 1 unit ng shotgun, at 3 piraso ng improvised explosive devices. Ayon kay PNP Acting Chief, Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kasabay ng paghahanda ng mga kasong kriminal laban…
Read MoreNSC AT AFP PINAKAKALMA ISYU SA BONDI BEACH SHOOTING
PINAKAKALMA ng National Security Council (NSC) at maging ng pamunuan ang Armed Forces of the Philippines ang pangamba sa seguridad matapos kumpirmahin na nanatili sa Pilipinas nang halos isang buwan ang mag-amang gunmen na nasa likod ng mass shooting sa Bondi Beach sa Sydney, bago lumipad patungong Australia. “The Philippines strongly rejects the sweeping and misleading insinuations that the 2 gunmen who went on a killing spree in Bondi Beach earlier this week had traveled to the Philippines to train with groups linked to the Islamic State of Iraq and…
Read MoreP49-M NA JACKPOT SA LOTTO 6/42 NASOLO NG RIZALEÑO
INSTANT milyonaryo ang isang residente ng Rizal matapos mahulaan ang winning combination ng Lotto 6/42. Ayon kay PCSO Vice-Chairman at General Manager Melquiades Robles, nakuha ng maswerteng mananaya ang kumbinasyon na 15-19-24-41-42-04, na nagkakahalaga ng P48,195,100.40. Nabili ang tiket sa isang outlet sa Sumulong Highway, Antipolo City, Rizal. Nasa 81 indibidwal naman ang makakatanggap ng tig-P24,000 matapos makakuha ng limang tamang numero. Ang Lotto 6/42 ay nagkakaroon ng draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. (TOTO NABAJA) 207
Read More870 BAGONG PULIS NANUMPA SA PRO3
Camp Olivas, Lungsod ng San Fernando, Pampanga — Nasa kabuuang 870 bagong talagang pulis ang pormal na nanumpa sa Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Panunumpa sa Tungkulin sa PRO3 Post Grandstand, Camp Captain Julian Olivas nitong Miyerkoles ng umaga ng Disyembre 17. Sa mahigit 3,000 aplikante na naghahangad na magsuot ng uniporme ng PNP, 870 lamang ang nakapasa sa mahigpit na proseso ng recruitment, na kinabibilangan ng masusing screening, medical at psychological evaluations, at background validation. Ang mga matagumpay na aplikante ay nakapuno ng 550 attrition quota slots at…
Read MoreSEC. GIBO UMALMA SA PAMBOBOMBA NG CHINA SA MGA MANGINGISDANG PINOY
PINALAGAN ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. nitong Martes ang “mapanganib” at “di-makataong” kilos ng China laban sa mga Pilipinong mangingisdang naghahanapbuhay malapit sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay Teodoro, nasira ang ilang bangkang pangisda bunsod ng water cannon at pagputol ng anchor lines, habang tatlong mangingisda ang nasugatan at nangangailangan ng lunas. “Mahigpit na kinokondena ng Department of National Defense ang mapanganib at di-makataong aksyon ng Chinese maritime forces… Ang paggamit ng water cannon, agresibong manobra, at pagputol ng anchor lines na nagdulot ng pinsala sa…
Read More