CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang dating security guard na ‘person of interest’ sa panloloob sa isang kilalang chicken restaurant sa Bacoor City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si alyas “Adrian”, dating security guard ng chicken restaurant sa Molino Boulevard, Barangay Mambog 4, Bacoor City, Cavite. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, pinasok ng suspek ang nasabing restaurant sa pamamagitan ng pagsira sa roll-up window malapit sa generator saka itinulak nito ang glass door papasok sa loob. Nang nakapasok, tinangay nito ang ilang gadgets at generator set…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
TRUCK NAWALAN NG PRENO, 8 SUGATAN
QUEZON – Walo katao ang nasugatan matapos mawalan ng preno ang isang truck, inararo ang kasalubong na motorsiklo at nahulog sa bangin sa Diversion Road, Brgy. Malinao Ilaya, sa bayan ng Atimonan sa lalawigan noong Lunes. Ayon sa pulisya, paahon ang motorsiklo na sakay ang mag-asawa at kanilang 4-anyos na anak, habang palusong naman ang truck na nagkaroon umano ng mekanikal na aberya. Tumalon palabas ng sasakyan ang driver at apat na sakay ng truck bago ito tuluyang nawalan ng kontrol at bumangga sa motorsiklo. Agad isinugod sa Doña Marta…
Read MoreDRUG LABORATORY SINALAKAY NG PDEA
ISANG drug laboratory ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at bulto-bulto ng hinihinalang droga ang nasamsam sa lalawigan ng Rizal noong Martes ng gabi. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, armado ng search warrant, sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA Rizal Provincial Office, PNP Provincial Intelligence Team Rizal, Binangonan Municipal Police Station, at Rizal Police Provincial Office, ang nadiskubreng drug laboratory. Nasamsam sa inilunsad na anti-illegal drugs…
Read MoreIMPORMASYON SA PAGPATAY SA MAG-AMA, HILING NG BATANGAS POLICE
BATANGAS – Nanawagan ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa publiko na tumulong sa pagbibigay ng impormasyon upang matukoy at maresolba ang pamamaril na kumitil sa buhay ng mag-ama sa bayan ng Nasugbu sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Hinimok ni Batangas Police Provincial Director PCol. Geovanny Emerick Sibalo ang publiko na magbahagi ng anomang impormasyon sa BPPO o direkta sa Nasugbu Police Station, at tiniyak na mananatiling confidential ang lahat ng ibibigay na detalye upang agarang makamit ang hustisya para sa mga biktima. Ayon sa ulat, sakay ang mga…
Read MoreBINATILYO TUMANGAY NG MOTORSIKLO, ARESTADO
CAVITE – Arestado ang isang 18-anyos na water delivery boy makaraang tangayin ang isang motorsiklo na naiwan ng may-ari ang susi nang sumilong dahil umuulan sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Martes ng madaling araw. Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “Russel”, tubong Bicol, at residente ng AFP Housing, Brgy. Bulihan, Silang, Cavite matapos ireklamo ng biktimang si alyas “Joboy”, 28-anyos. Ayon sa reklamo ng biktima, ipinarada niya ang kanyang motorsiklong blue na Mitsukoshi Euro Keeway Icon 110 Scooter, bandang alas-2:00 ng madaling araw sa Governor’s…
Read MoreSANGGOL INIWAN SA KULUNGAN NG BABOY
CAMARINES SUR – Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Calabanga Municipal Police Station matapos madiskubre ang buhay na bagong silang na sanggol na babae sa Zone 2, Brgy. Salvacion Baybay, sa bayan ng Calabanga sa lalawigan pasado alas-2:00 ng hapon noong Linggo. Ayon sa ulat ng pulisya, nagresponde ang mga tauhan ng Calabanga Police Station matapos makatanggap ng ulat hinggil sa nadiskubreng sanggol na nakalagay sa isang palanggana sa likod ng kulungan ng baboy. Dinala ng mga pulis ang sanggol sa Bicol Medical Center para masuri bago ini-refer sa Municipal Social…
Read MoreSa Delay sa Redistricting Law: COMELEC NABABAHALA SA BARMM POLLS
NABABAHALA ang Commission on Elections (Comelec) sa kalagayan ng halalan sa Bangsamoro region dahil hindi pa naipapasa ang redistricting law na kailangan para sa kauna-unahang parliamentary elections sa BARMM. Batay sa desisyon ng Korte Suprema noong Oktubre 13, dapat maisaayos ang parliamentary districts bago ang Oktubre 30, ngunit binigyan ng hanggang Nobyembre 30 ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) para maisumite ang batas. Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bawal na ang anumang pagbabago sa rehistro 120 araw bago ang halalan at nakadepende ang komisyon sa batas na ipapasa ng…
Read MoreI KILO NG SHABU HULI SA DRUG BUST
NEGROS ORIENTAL – Isang 33-anyos na drug personality ang nadakip ng mga operatiba ng Police Regional Office–Negros Island Region (PRO-NIR) sa isinagawang anti-narcotics operation na nagresulta sa pagkasamsam sa ilegal na droga na tinatayang may street value na aabot sa P6,929,200.00 sa Purok 5, Barangay Jilocon, sa bayan ng San Jose sa lalawigan. Ayon sa ulat na nakarating sa PNP-PDEG, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Unit ng Negros Oriental Police Provincial Office (Norppo) at nadakip ang isang alias “Basim”, 33-taong gulang, ng Barangay Sta. Agueda, Pamplona, Negros…
Read MoreSa mga lugar na apektado ni ‘Wilma’ OPERASYON NG SHIPPING, FISHING COMPANIES BALIK NORMAL – PCG
BALIK normal na ang operasyon ng lahat ng shipping at fishing companies sa mga baybayin at lugar na apektado ng Bagyong Wilma. Sa pinakahuling maritime safety advisory ng Philippine Coast Guard (PCG), mula alas-12 ng tanghali nitong Disyembre 8 ay wala nang stranded na naitala o naiulat sa mga pantalan sa bansa. Nangangahulugan na lahat ng mga pasahero na stranded pa dakong umaga nitong Lunes, ay pinayagan nang makabiyahe. Kasama rito ang rolling cargoes, vessels at motor bancas sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa. Ayon sa naunang ulat,…
Read More