CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 30-anyos na caretaker matapos tubuhin at napatay ang isang construction worker na kanyang kinompronta dahil sa matagal nang alitan sa bayan ng Amadeo sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Isinugod sa Amadeo RHU ang biktimang si alyas “Sid”, 46, residente ng Southville 2, Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite subalit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa sugat dulot ng palo ng matigas na bakal sa ulo. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Ronald”, binata, tubong Bicol, tumakas matapos ang insidente. Ayon…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
13 GHOST FC PROJECTS NADISKUBRE SA MALOLOS
NAISUMITE na ng Malolos City People’s Audit Team (MCPAT) sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang inisyal na set ng dokumento ng isinagawang imbestigasyon kaugnay ng napaulat na maanomalya at iregularidad na flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa nasasakupan ng City of Malolos, noong Biyernes, Oktubre 10. Nabatid na ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos ay naglabas ng Executive Order No. 39, Series of 2025 noong Agosto 29, ilang linggo matapos ang privilege speeches sa Senado kaugnay ng pagkakadiskubre ng mga maanomalyang flood…
Read MoreP163.2-M SHABU NASABAT SA 3 HVIs SA QUEZON
QUEZON – Tinatayang P163.2 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa tatlong high value drug personalities na nadakip sa isinagawang joint anti-narcotics operation noong Biyernes sa bayan ng Candelaria, sa lalawigan. Ayon sa ulat na ipinararating kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani Nerez, umabot sa 25 kilos ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P163.2 milyon. Isinagawa ang pinagsanib na buy-bust operation ng PDEA National Capital Region, PDEA RO4A, Quezon Police Drug Enforcement Unit (PDEU), at Candelaria Police Station noong Sabado ng gabi sa Purok…
Read MoreMAG-ASAWANG STORE OWNER PINATAY NG KAPITBAHAY
QUEZON – Pinaghahanap ng pulisya ang isang binatang pumaslang sa mag-asawang may-ari ng isang tindahan sa Barangay Buenavista West sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Huwebes ng madaling araw. Ayon kay PLt. Col. Al Loren Bigay, hepe ng Candelaria Police, bukod sa robbery, away sa pagkakautang ng 23-taong gulang na suspek na kinilalang si Victor Panes Dinamitas, sa tindahan ang mag-asawa ang tinitingnan nilang motibo sa krimen. Ayon sa report, bandang alas-4:45 ng umaga ng mangyari ang insidente nang magbukas ng tindahan ang 59-anyos na lalaking biktima na si…
Read MoreMANGINGISDA PATAY SA TAMA NG KIDLAT
BATANGAS – Patay ang isang mangingisda matapos tamaan ng kidlat habang nanghuhuli ng alimango at nangunguha ng mga kabibe sa isang latian sa Barangay Bundukan, sa bayan ng Nasugbu noong Huwebes ng tanghali, Oktubre 9. Kinilala ng pulisya ang biktima sa pangalang “Allan”, 48-taong gulang, residente ng Sitio Centro, Barangay Putat, Nasugbu. Batay sa imbestigasyon ng Nasugbu Police, dakong alas-12:00 ng tanghali, kasama umano ni Allan ang isa pang mangingisda habang nangunguha ng mga alimango at kabibe sa maputik na bahagi ng latian sa naturang barangay, nang biglang gumuhit ang…
Read More2 patay, residente ng 6 lalawigan pinalikas sa banta ng tsunami DAVAO ORIENTAL NIYANIG NG 7.4 OFFSHORE QUAKE
DALAWA katao na ang inisyal na iniulat na nasawi bunsod ng 7.4 offshore earthquake na tumama sa Davao Oriental dahilan para palikasin ang mga residente sa anim pang lalawigan. Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Rafael Alejandro IV, sa isinumiteng ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang 7.4 earthquake bandang alas-9:43 ng umaga nitong Biyernes sa eastern seaboard ng Pilipinas at naramdaman ang pagyanig hanggang Davao Oriental, eastern part ng Davao Oriental. Ayon kay Alejandro, naganap ang lindol sa karagatan ng Manay, Davao Oriental,…
Read More15-ANYOS NA BINATILYO PATAY SA GANG WAR
CAVITE – Patay ang isang 15-anyos na binatilyo nang pagsasaksakin ng kasing edad nitong miyembro ng gang nang magpang-abot ang dalawa sa isang kalye sa bayan ng Silang noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa University Medical Center sa Dasmariñas City ang biktimang si “Ushaine”, ng Brgy. Ipil 1, Silang, Cavite subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng saksak sa dibdib. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si alyas “Mark”, 15, ng Brgy. Ipil 1, Silang, Cavite na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima…
Read MoreDAYCARE WORKER PATAY SA BANGGAAN NG 2 MOTOR
QUEZON – Patay ang isang daycare worker matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Sitio Bukal, Barangay Binay, sa bayan San Narciso sa lalawigan noong Miyerkoles ng umaga. Batay sa ulat ng San Narciso Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng umaga nang magsalpukan ang minamanehong motorsiklo ng asawa ng biktima na si “Jenelyn”, residente ng Barangay Villa Reyes, at ang motorsiklong minamaneho ng suspek na kinilalang si “Boby”, 43-anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Binay. Ayon sa imbestigasyon, magkasamang bumibiyahe noon si Jenelyn at ang kanyang asawa…
Read MoreP1.3-M DROGA NASABAT SA HVI SA LUCENA
LUCENA CITY – Arestado ang isang high value individual sa ikinasang buy-bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Quezon Police Provincial Office sa Purok Narra, Barangay Isabang sa lungsod nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si alyas “Jaypee”, 39, residente ng Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon. Nasamsam sa suspek ang anim na sachet at isang plastic bag ng hinihinalang shabu na may kabuuang bigat na 65 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P1.3 milyon. Matapos ang transaksyon ng suspek at ng isang undercover police, agad itong inaresto at…
Read More