INTEGRIDAD NI NARTATEZ, BAGONG MUKHA NG PNP – GOITIA

SA panahong madalas sinusukat ang pamumuno sa ingay at pagpapakita, namumukod-tangi si Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa kanyang katahimikan at paninindigan. Bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP), ipinapakita niya na hindi kailangang maging maingay para maging epektibong lider. Sa halip, pinangungunahan niya ang organisasyon sa pamamagitan ng gawa, disiplina, at tapat na serbisyo sa mamamayan. Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, si Nartatez ay “isang lider na ibinabalik ang dangal sa serbisyo publiko—tahimik pero matatag.” Mula nang maupo sa puwesto, agad niyang ipinapatupad ang masusing…

Read More

P16-B SHABU SINUNOG NG PDEA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang P16,086,800,984.03 halaga ng illegal drugs o shabu, ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City nitong Huwebes ng umaga. May kabuuang 2,904,756.6818 gramo ng solid illegal drugs, at 14,117.8500 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito sa 1,000 degrees centigrade na init. Kabilang sa mga sinunog ang 2,336,482.6324 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu; 529,906.1246 gramo ng marijuana; 3,067.6948 gramo ng MDMA o ecstasy; 8,790.8800 grams…

Read More

ESTUDYANTE INARARO NG NASAGING EV DRIVER

RIZAL — Isang 15-anyos na estudyante ang binangga umano nang sadya ng isang driver ng electric vehicle (EV) habang papasok sa eskuwela sakay ng motorsiklo nitong Lunes ng umaga sa Teresa, Rizal. Batay sa post ni Jonald Reynaldo, pinsan ng ama ng biktima, nangyari ang insidente noong Oktubre 7, 2025 sa tapat ng palengke ng bayan. Ayon sa ulat, nagkaroon muna ng sagian sa pagitan ng motorsiklo ng estudyante at kotse ng suspek. Dahil dito, tinakbuhan umano ng bata ang drayber, dahilan para habulin ito ng suspek hanggang sa Alas…

Read More

AKTIBONG PULIS HINULI NG IMEG SA PAGSUSUGAL SA NEGROS ORIENTAL

KALABOSO ang isang aktibong pulis na may ranggong Patrolman matapos maaktuhan ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na nagsusugal ng “Hantak” o cara y cruz sa Bayawan City, Negros Oriental noong Oktubre 5. Kasama ng pulis, inaresto rin ang isang sibilyan sa isinagawang operasyon ng IMEG Visayas Field Unit sa Purok Nalundan, Barangay Dawis. Ayon sa IMEG, nagsimula ang operasyon matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa presensiya ng pulis na sangkot sa ilegal na sugal. Nakumpiska mula sa suspek ang kanyang service firearm, police ID, at marked money…

Read More

Sinampahan ng rape ng detainee DEPUTY POLICE CHIEF INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY

ISANG deputy police chief sa Cavite province ang inilagay sa restrictive custody matapos sampahan ng kasong panggagahasa sa kanilang police station ng isang illegal drug detainee, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame kahapon, inihayag ni PNP Public Information chief, Brig. Gen. Randulf Tuaño na sinibak na sa puwesto ang nasabing deputy police chief at ikinostodiya ng Cavite PNP noong Setyembre 19 at sinampahan ng kaso noong Setyembre 23, 2025 dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8353 o the Anti-Rape Law, ani…

Read More

OBRERO TINUSOK HABANG NAG-AALMUSAL, PATAY

CAVITE – Hindi na natapos sa pag-aalmusal ang isang 32-anyos na construction worker nang atakehin ng saksak sa kanilang barracks sa Bacoor City noong Martes ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eduardo Arbie Butac, 32, stay-in sa JJM Barracks sa Brgy. Mambog 4, Bacoor City Cavite dahil sa saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ang suspek na si alyas “Alvaro”, 40, ng Mutya Compound, Brgy. mambog IV, Bacoor City, na tumakas matapos ang insidente. Ayon sa ulat, nag-aalmusal ang biktima at kasama nitong si alyas “Diane” sa…

Read More

VLOGGER ARESTADO SA BANTANG ‘HEADSHOT’ SA PANGULO

INARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang uploader ng isang imahe ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa social media na may caption na “headshot”. Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago, ang ibig sabihin ng ‘headshot’ para sa law enforcement agencies ay barilin sa ulo. Sinabi ni Santiago na ang usapin ay kanilang sineryoso na kalaunan ay ipinaliwanag ng vlogger na iyon ay biro lamang “Sabi ko sa inyo, pagdating sa mga pananakot o anomang pagtatangka sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, Pangulo ng Senado, Tagapagsalita ng Kamara, at Punong Mahistrado, ito…

Read More

LGU EMPLOYEE ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

ZAMBOANGA SIBUGAY – Arestado ang isang tauhan ng local government unit sa lalawigan sa isinagawang anti-drug operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong nakalipas na Linggo. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, matapos ang isinagawang surveillance operation ay ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang illegal drug personality sa Barangay Sta. Barbara, Imelda, Zamboanga Sibugay. Dakong alas-12:20 ng tanghali nang ilatag ang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Zamboanga Sibugay Provincial Office (PDEA ZSBY PO),…

Read More

NAG-APPLY NG POLICE CLEARANCE, DINAMPOT

CAVITE – Imbes na police clearance, isang warrant of arrest ang natanggap ng isang lalaki nang arestuhin sa Dasmariñas City noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang nagtungo ang suspek na si alyas “Gima” sa Dasmariñas Component City Police Station upang mag-apply ng police clearance na kailangan sa trabaho. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, imbes na police clearance ang matanggap ay inisyuhan siya ng warrant of arrest na inilabas ni Assistant Judge Elenita Carlos Dimaguila, ng Regional Trial Court, National Capital Region, Branch 112, Pasay…

Read More