MANANATILI ang boxing event sa Olympic Games sa 2020 edition sa Tokyo. Pero, inirekomenda ng International Olympic Committee (IOC) na i-itsapwera ang AIBA, ang amateur boxing governing body, sa pag-oorganisa nito sa quadrennial meet. Ang rekomendasyon ng IOC ay resulta ng isang buwang pag-iimbestiga sa mga sumbong ng katiwalian laban sa AIBA (International Boxing Association). Sa pag-iitsapwera sa AIBA sa Tokyo Games, siniguro ng IOC na ang mga atletang boksingero ay makaaasa nang maayos at patas na resulta. “Athletes can live their dream and participate in the Olympic Games, while…
Read MoreCategory: SPORTS
UAAP SEASON 81: RONDINA, LACUNA ATHLETES OF THE YEAR
(NI JOSEPH BONIFACIO) ITINANGHAL sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina ng University of Santo Tomas at Jessie Khing Lacuna ng Ateneo University bilang Athletes of the Year ng UAAP Season 81. Sa seremonyang ginanap nitong Martes sa Mall of Asia Arena, nanguna si Rondina sa team sports category. Ito naman ang ikalawang AOY award ni Lacuna, na unang inangkin ang karangalan noong 2016, kung saan kasosyo niya sina Ian Lariba, ang namayapang table tennis Olympian ng De La Salle, Alyssa Valdez ng Ateneo women’s volleyball at Queeny Sabobo ng Adamson softball.…
Read MorePACQUIAO IS BEATABLE – THURMAN
DALAWANG buwan bago sumiklab ang July 20 welterweight showdown sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Keith “One Time” Thurman sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, tila umaapaw na ang kumpiyansa ng huli na kanyang tatalunin ang Pambansang Kamao. Deklara ni Thurman: “Manny Pacquiao is beatable. He’s been beaten before in his career. He’s a fan favorite and a legend. For me his boxing tactics are predictable. He fights in spurts and you have to take advantage of that. You have to be respectful of his…
Read MoreBOXING SA ‘20 OLYMPICS: MERON O WALA?
LAUSANNE – Kumpiyansa ang pamunuan ng International Boxing Association o AIBA na matutuloy ang boxing event para sa 2020 Tokyo Olympics. Ipinatigil ng International Olympic Committee (IOC) ang preparasyon ng AIBA para sa susunod na taong Olympic Games, dahil nais muna nitong makatiyak na nilinis na ng amateur boxing body ang liderato nito, lalo na ang finances ng samahan. Sinabi ni AIBA interim president Mohamed Moustahsane na naging maayos ang miting niya sa IOC officials. “We had a very productive meeting with the IOC inquiry committee today,” lahad ni Moustahsane.…
Read MoreTHAI BOXER PINATULOG NI LORETO SA 1ST ROUND
(NI ARIEL BORLONGAN) ISANG round lamang ang itinagal ni Thai rookie boxer Songkan Meechai kay dating International Boxing Organization (IBO) light flyweight champion Rey “Hitman” Loreto ng Pilipinas sa sagupaan nila noong Mayo 19 sa Kiatkikirin Fitness & Martial Art sa Bang Phli, Thailand. Isang magandang tune-up na laban ito kay Loreto na matagal nang nakalista sa WBA minimumweight rankings kahit lumalaban sa light flyweight division. Sa kanyang huling laban para sa world title bout noong Hulyo 15, 2017 sa City Hall Ground, Chonburi, Thailand, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong…
Read MoreDONAIRE VS INOUE SA WBSS BANTAM FINALS
MATUTUPAD ang wish ni reigning WBA (super) bantamweight world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, na makasagupa si undefeated Japanese boxer Naoya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series Bantamweight Tournament. Ang 36-anyos na si Donaire ay agad nagpahayag ng intensiyong makasagupa si Inoue, matapos niyang i-demolis si Stephon Young noong Abril sa semifinals ng torneo. Si Inoue, 26-anyos at may record na 18-0, 16 KOs), ay inangkin ang WBA (regular) at IBF bantamweight world championships, nang idismantel sa dalawang round si former IBF holder Emmanuel Rodriguez sa kanilang…
Read More2 FIL-FOREIGN PLAYERS BAWAT TEAM OK SA MPBL
(NI JOSEPH BONIFACIO) SIMULA sa susunod na season ng Maharlika Pilipinas Baskeball League (MPBL), papayagan na ang pagsalang ng hanggang dalawang Fil-foreign players ang bawat koponan. Isa lamang ito sa dagdag na pagbabago sa panibagong season na magsisimula sa Hunyo 12, na inaprubahan ni Sen. Manny Pacquiao, founder ng MPBL at ng mga team owners. Ito ay upang higit pang mapalakas ang lineup ng bawat koponan. Pero, hindi puwedeng pagsabaying ipasok sa laro ang dalawang Fil-foreign players, isa-isa lang, ayon kay Commissioner Kenneth Duremdes. “Only one Fil-foreign player at a…
Read MoreTWINKILL TARGET NG PINAY RIDER
(NI JOSEPH BONIFACIO) TWINKILL ang hangarin ng bike sensation na si Ariana Dormitorio ngayong taon. Una, ang makasiguro ng ouright berth sa 2020 Tokyo Olympics sa pamamagitan ng Asian Bike Continental Championships sa Lebanon at pangalawa, manalo ng gintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa Nobyembre. “This will be a very crucial year because all of the things that we’ve really worked hard for, eto na yun,” ani Dormitorio sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum kamakalawa sa Amelie Hotel sa Maynila. Unang…
Read MoreDYNASTY ‘DI NATIBAG
(NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) BINANGASAN ng San Miguel Beermen ang Magnolia Hotshots, 72-71 sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals na pinakamahirap nilang championship mula nang magawa nila ang tinaguriang “Beeracle” noong 2016. Nameligro ang apat na taong paghahari ng Beermen sa All-Filipino tournament nang lumamang ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok ng 17 puntos sa third quarter ng Game 7 noong Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum. Ngunit pinakita ng San Miguel ang kanilang katatagan para mabura ang malaking kalamangan sa pangunguna ni PBA Press Corps-Honda Finals MVP…
Read More