72-71 WIN: 5th PHL CUP TITLE KINULEKTA NG SAN MIGUEL

san mig`1

KINULEKTA ng San Miguel Beer ang ikalimang sunod na PBA All-Filipino Cup o Philippine Cup championship, matapos maitakas ang pahirapang Game 7 win, 72-71 laban sa Magnolia Hotshots, Miyerkoles ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum. Nagawang habulin ng Beermen ang 17-point deficit, kung saan humablot si June Mar Fajardo ng PBA-record 31 rebounds. Naibulsa rin ni Fajardo ang kanyang ikatlong Finals MVP trophy. Si Cabagnot, na hindi masyadong naramdaman sa Finals series, ay nagsumite ng 18 points, kasama ang fallaway jumper sa huling 57.2 seconds na nagkaloob sa San Miguel ng…

Read More

ATENEO, UST MAY GAME 3

VOLLEY12

SINAMANTALA ng Ateneo ang pagkaka-tapilok ni Rookie of the Year awardee Eya Laure, para idismantel ang UST sa Game 2, 26-24, 14-25, 25-21, 25-15 kahapon ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament sa jampacked MOA Arena sa Pasay City. Nagtulung-tulong sina Maddie Madayag, Bea De Leon at Kat Tolentino, ang star trio ng Ateneo, sa pag-atake sa UST at ihirit ang winner-take-all para sa korona. Ang Game Three ay gaganapin sa Sabado sa MOA Arena rin. Si Madayag ay nagsumite ng 17 points, mula sa 10 attack, 4 blocks at…

Read More

PBA PH CUP CHAMPION: BEER O MANOK?

manok12

LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 7:00 P.M. — MAGNOLIA VS SAN MIGUEL (NI JJ TORRES/PHOTO BY MJ ROMERO) KAPWA nangako ang San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots Pambansang Manok na ibubuhos ang lahat ng kanilang kakayahan at lakas para makamit ang championship ng PBA Philippine Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Isang exciting ending ang posibleng maganap sa Game 7 na nakatakda sa alas-7:00 ng gabi, matapos ang anim na laro kung saan nagpamalas ng lakas ang Beermen sa opensa at depensa naman para sa Hotshots. Ang tanong lamang…

Read More

THAI KO ARTIST, TARGET PATULUGIN NI JARO

jarco12

(NI ARIEL BORLONGAN) TATANGKAIN ni dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro na mapatulog ang makakalaban niyang knockout artist na si WBC Asian Boxing Council bantamweight champion Nawaphon Kaikanha dahil alam niyang hindi siya magwawagi sa puntos sa kanilang sagupaan sa Sabado (Mayo 18) sa Bang Phun, Thailand. “Kailangang mapatulog, mahihirapan tayong manalo sa puntos sa Thailand,” sabi ni Jaro sa Balita.”At saka pagkakataon na ito para makabalik ako sa world rankngs.” Minsan nang lumaban si Jaro sa Thailand nang patululugin niya si 6th round noong Marso…

Read More

PILIPINAS AT SPAIN MAY TUNE-UP GAME

gilas123

(NI JOSEPH BONIFACIO) IKINUKUNSIDERA ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang friendly game ng Gilas Pilipinas laban sa koponan ng Spain, bilang paghahanda sa 2019 FIBA World Cup sa Agosto. “We actually have many invites from other teams but we’re looking at Spain for potential friendlies,” ani Panlilio matapos pasinayaan ang bagong logo ng SBP at ng Gilas Pilipinas na gagamitin sa international tournaments simula ngayong taon. Ang FIBA World Cup ay gaganapin sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15 sa China. “We’re organizing that now. I hope we…

Read More

ATENEO-UST WAR SISIKLAB SA BIG DOME

volley23

ISKEDYUL NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 12:00 NOON – NU VS FEU (MEN FINALS) 4:00 P.M. – UST VS ATENEO (WOMEN FINALS) (PHOTO BY MIKE ROMERO) SISIKLAB ngayong hapon ang giyera sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at UST Tigresses sa Game 1 ng kanilang best-of-three championship series ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament. Ang gametime ay alas-4:00 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum. Inaasahang magiging mahigpitan ang sagupaan dahil kapwa gutom sa korona ang Lady Eagles at Tigresses. Nangako si Ateneo head coach Oliver Almadro na magandang laban ang…

Read More

DIAZ, HO SA ‘MATRIX’; WRONG ANALYSIS – PANELO

hodiaz12

(NI VT ROMANO) NILINAW ng Malakanyang na hindi kasama o bahagi ang mga sports personalities na sina Hidilyn Diaz at Gretchen Ho sa inilabas na ‘matrix’ na nagsasaad ng mga personalidad na sangkot o may kinalaman umano sa destabilization plot laban sa administrasyong Duterte. Sa halip, ipinasa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang sisi sa mediamen, gayundin kina Diaz at Ho, dahil mali umano ang pagkaka-analisa nila sa diagrams na inilabas ng Palasyo noong nakaraang Miyerkoles. Ipinaliwanag ni Panelo, na ang pangalan nina Diaz at Ho ay naipakita sa diagrams…

Read More

DONAIRE, WAGI!

donaire123

CAJUN DOME, LAFAYETTE – Hindi umubra kay WBA bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire ang late replacement na si Stephen Young, nang tamaan niya ito ng kaliwa para sa sixth round stoppage sa semifinals ng Worlds Boxing Super Series, Linggo (Manila time). Si Donaire (40-5, 26KOs) ay orihinal na kalaban si WBO champion Zolani Tete, pero nag-withdraw ang South African sanhi umano ng injury ilang araw na lang bago ang laban. Ang size, power at experience ni Donaire ay hindi kinaya ni Young (18-2, 3KOs), na walang ginawa sa…

Read More

MAKAKALABAN NG SMB SA FINALS: MANOK O PINTURA?

rain12

(NI JJ TORRES) LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 6:30 P.M. – RAIN OR SHINE VS MAGNOLIA PAGLALABANAN ng Rain or Shine Elasto Painters at Magnolia Hotshots Pambansang Manok ang huling PBA Philippine Cup finals berth Linggo ng gabi sa Game 7 ng kanilang semifinal series sa Mall of Asia Arena sa Pasay. Inaasahang ibibigay ng dalawang koponan ang lahat ng kanilang kakayahan sa rubber match na magsisimula ng alas-6:30 ng gabi. Ang winner ay haharapin sa best-of-seven finals ang defending champion San Miguel Beer. Naunang umabante ang Beermen matapos…

Read More