(Ni FRANCIS ATALIA) NAIS ng maybahay ng Pambansang Kamao na si Jinkee Pacquiao na magretiro na ito sa boksing matapos ang laban kay Adrien Broner. Matatandaan na nagpahinga si Senator Manny Pacquiao matapos ang laban niya kay Timothy Bradley pero makalipas ang 7 buwan ay muli itong sumampa sa ring laban kay Jessie Vargas. Dasal ni Jinkee kung sakaling manalo ang asawa ay tuluyan na itong magreretiro sa boksing ngayong taon. Nagpag-uusapan naman umano nilang mag-asawa ang tungkol sa retirement dahil mabigat na trabaho ang boksing para sa kanilang 2.…
Read MoreCategory: SPORTS
FIGHT PLAN NI PACQUIAO: ‘AWAY KALYE’
(NI VIRGI T. ROMANO/PHOTO BY WENDELL ALINEA/MP PROMOTIONS LOS ANGELES, CA. — “Kailangan sa round 1 to 6 apurahin na ni Manny. Away-kalye dapat gawin niya.” Ito ang mga katagang binitiwan ni Buboy Fernandez hinggil sa strategy na gagawin ni Pacquiao sa pakikipagbakbakan ay Adrien Broner sa Enero 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas. Sa media day na ginanap, Miyerkoles sa Wild Card Boxing Club dito, sinabi ni Fernandez, paulit-ulit nilang ineensayo na hindi pupuwedeng maghintay si Pacquiao kay Broner, kinakailangang si Pacquiao ang laging mauuna, lalo…
Read MoreMGA KASO ANG DISTRAKSYON NI BRONER SA LABAN KAY PACMAN
DALAWANG linggo bago ang pakikipagbakbakan kay Manny Pacquiao, hindi pa rin tinatantanan ng distraksyon ang pasaway na si Adrien Broner. Katunayan, sa Lunes (Martes sa Manila), haharap si Broner sa dalawang courtroom sa magkahiwalay na lugar, bunga ng dalawang kaso ng sexual misconduct, ayon sa TMZ Sports. Ayon sa ulat, si Broner ay inaresto noong Pebrero 2018 sa Atlanta sa umano’y kaso ng ‘sexual assault’ sa isang babae sa local shopping mall. Sinabi ng mga pulis na hinawakan ng boksingero ang babae nang walang paalam. Makalipas ang apat na buwan,…
Read MoreKNOCKOUT TARGET NI PACQUIAO KAY BRONER
(NI VTRomano) MAKALIPAS ang walong taon at kalahati, muling nakatikim ng knockout win si Manny Pacquiao noong Hulyo 15 laban kay Argentinian Lucas Matthysse. Ilang taon ding tila nakalimutan ni Pacquiao kung gaano kasarap ang pakiramdam kapag napapatulog niya ang kalaban at napagtantong kailangan niya itong ulitin. Kaya, sa nalalapit niyang title defense ng WBA welterweight kontra kay Adrien Broner – target ng Fighting Senator na muling umiskor ng KO. “I am not making a prediction, but my goal is to knock out Broner,” lahad ni Pacquiao sa kasagsagan ng…
Read MorePACQUIAO NAGPATUTSADA KAY MAYWEATHER
(NI VTROMANO) PINATUTSADAHAN ni Filipino ring icon Manny Pacquiao si retired undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr. Bagamat walang pangalang binanggit, halatang si Mayweather ang pinatamaan ng New Year tweet ni Pacquiao: “Here is an early New Year’s resolution,” Pacquiao wrote in a Tweet. “To continue to only fight experienced opponents who are my size or bigger.” At naka-tag ang @PBC, @TGBPromotions, @SHOSports, @ShowtimeBoxing, @MGMGrandGarden and @AXS. At hashtag #PacquiaoBroner. Ang nasabing tweet ni Pacquiao ay patungkol sa first round knockout win ni Mayweather kay Japanese kickboxer Tenshin Nasukawa sa…
Read MoreDONNIE NIETES WAGI!
(NI VTROMANO) NAGBUNGA ang sakripisyo ni Donnie Nietes na malayo sa piling ng pamilya sa pagdiriwang ng New Year. Gayunpaman, makulay niyang sinalubong ang 2019 matapos umiskor ng pahirapang split decision win laban kay Japanese Kazuto Ioka, Lunes ng gabi sa Wynn Palace Cotai, Macao. Sinungkit ni Nietes ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) super flyweight crown at maging four-division world champion. Binigo rin niya ang pangarap ni Ioka na maging kauna-unahang four-division world champion ng Japan. Ang iskor ng tatlong hurado: 118-110 at 116-112 para kay Nietes at 116-112…
Read MoreNIETES AT IOKA BUGBUGAN SA NEW YEAR’S EVE
HABANG abala ang lahat sa pagpapaputok at pagsalubong sa 2019, makikipagbakbakan naman si three-division world champion Donnie Nietes sa Wynn Palace Cotai Arena sa Macao, Lunes ng gabi. Sa official weigh-in nitong Sabado, tumimbang si Nietes ng eksaktong 115 pounds, habang 114.5 lbs naman ang kasagupang dati ring three-division world champion na si Kazuto Ioka ng Japan. Maghaharap ang dalawa para sa bakanteng WBO super-flyweight crown. Nangako si Nietes na mas magiging agresibo sa laban, upang makaiwas sa nangyaring draw sa huling laban sa kababayang si Ashton Palicte noong Setyembre.…
Read MoreILONG NG KAISPAR PINADUGO NI PACQUIAO
PUKPUKAN sa ensayo sina Manny Pacquiao at Adrien Broner para sa kanilang 12-round WBA welterweight championship sa Enero 19. Katunayan, nitong Sabado (Linggo sa Manila), tatlo ang kaispar ng fighting senator sa loob ng 10 rounds. Dugo ang ilong ni Arnold Gonzales nang tamaan ng kaliwa ni Pacquiao. Habang nakipagsabayan din sa Filipino ring icon sina Lydell Rhodes at George Kambosos Jr. “Nakapagpahinga si Manny nang maayos, kaya magandang-maganda ang kundisyon niya sa isparing,” lahad ni chief trainer Buboy Fernandez. Noong nakaraang Biyernes, maikli ang naging ensayo ng 40-anyos na…
Read More5TH MVP NI FAJARDO MADIDISKARIL?
(Ni JJ TORRES) POSIBLENG madiskaril ang inaasam ni June Mar Fajardo na manalo ng record na limang Most Valuable Player award. Ito’y matapos siyang maungusan ni Stanley Pringle sa statistical race sa kakatapos lamang na 43rd season ng PBA. Ang NorthPort star na si Pringle ay nagtala ng cumulative average na 35.5 points upang manguna sa MVP derby, habang pumangalawa ang 6-foot-10 na si Fajardo ng San Miguel Beer na may 33.1 SPs. Sa kabila nito, paborito pa rin si Fajardo na maging unang player sa kasaysayan ng PBA na…
Read More