BLATCHE BALIK-LARO SA PH TEAM

andray

(Ni FRANCIS ATALIA) MULING maglalaro si Andray Blatche para sa Philippine National Team matapos ang three-game suspension dahil sa pagkakasangkot nito sa rambol ng Gilas Pilipinas at ng Australian team noong Hulyo. Ayon sa naturalized Filipino player, sasabak siya sa 2019 Fiba World Cup Cup Qualifying Games sa Pebrero suot ang national color. Kinumpirma naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbabalik ni Blatche at sinabing handa na nitong simulan ang kanyang training. 779

Read More

UPAKANG PACQUIAO-BRONER WALANG ATRASAN

pacman200

TULOY ang sagupaan nina Manny Pacquiao at Adrien Broner. Ito ang pagpapakalma ni Pacquaio sa mga fans matapos pawiin ang pangambang makansela ang laban niya kay Adrien Broner sa Enero 19. Sa pamamagitan ng kanyang PR man na si Aquilez Zonio, ipinaabot ng Fighting Senator sa fans na walang dapat ikabahala at walang katotohanang hindi matutuloy ang laban. “The fight is a go. Broner was arrested for another brush with the law but he was able to post bail,” pahayag ni Pacquiao matapos ang kanyang road work sa Pan Pacific…

Read More

BRONER MUNTIK NANG MAGPASKO SA KULUNGAN

BRONER-2

MUNTIK nang Magpasko sa kulungan si Adrien ‘The Problem’ Broner, matapos na arestuhin sa Florida noong Linggo. Iniulat ng celebrity news website TMZ, inaresto si Broner sa bisa ng warrant of arrest na inisyu sanhi ng kabiguang magpakita sa korte. Matapos mai-book ay pinalabas rin naman ang boksingerong naghahanda para sa kanyang 12-round match kay Filipino eight-division world champion Manny Pacquiao sa Enero 19. Nag-ugat ang pag-aresto kay Broner dahil sa isang kaso noong Disyembre 2017 kung saan naaktuhan siyang nagda-drive nang walang lisensya, speeding, no registration o proof of…

Read More

WBO SUPER-FLYWEIGHT TITLE IUUWI NI NIETES

nietes200

PASKUNG-PASKO ay bumiyahe si Donnie Nietes patungong Macau. Ang dahilan? Hahamunin niya si Japanese Kazuto Ioka para sa bakanteng korona ng World Boxing Organization super-flyweight title. Ang 12-round fight nina Nietes at Ioka ay gaganapin sa Disyembre 31 sa Wynn Palace, Cotai Arena. Umaasa ang 36-anyos na si Nietes na magandang Bagong Taon ang sasalubong sa kanya sa pagbabalik sa Pilipinas bitbit ang korona. Tatangkain din ni Nietes, kasama sa biyahe ang trainer na si Editor Villamor, na maging four-division world champion. Para kay Nietes  (41-1-5, 23KOs) sapat ang kanyang…

Read More

‘INDEFINITE BAN’ SA TAEKWONDO JIN NA NAM-BULLY

PTA.jpg

PINATAWAN ng ‘indefinite ban’ ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang taekwondo jin ng Ateneo Junior High School na naging viral dahil sa pambu-bully nito. Sa official statement ng PTA mula sa president nitong si Robert Aventajado, inirekomenda ng ad-hoc committee ang indefinite ban kung saan nakasaad ang: “covers all taekwondo activities such as, but not limited to, competitions and belt promotion.” Nauna nang nagdesisyon ang pamunuan ng Ateneo nang sipain sa nasabing paaralan ang nasabing taekwondo jin. Hindi naman tuluyang isinara ng PTA ang pintuan nito sa nasabing taekwondo jin.…

Read More

PACQUIAO HUMIRIT NG SPARRING BAGO UMALIS

PACMAN-4

DUMATING na si Filipino boxing legend Manny Pacquiao sa Estados Unidos kasama ang misis na si Jinkee, mga anak at ang buong training staff. Pero, bago umalis noong Sabado ng gabi, humirit pa ng sparring ang Fighting Senator sa Elorde Gym sa Five E-Com Center sa Pasay City. Tig-apat na rounds sina Australian George Cambosos Jr. at Jeric Chavez, lightweight champion ng Pilipinas, kung saan nakipagsabayan ang dalawa kay Pacquiao sa suntukan. “Kaya ako umispar ngayon, kasi pagdating sa LA, siyempre may jetlag pa, hindi agad ako makakaispar, kaya umispar…

Read More

ALL-PINOY CUP IBINULSA NG PETRON

volleyball

 IBINUHOS ng Petron ang lahat ng husay at lakas nang ibulsa ang ikalawang sunod na All-Filipino title ng Philippine Superliga (PSL), Huwebes sa FilOil Flying V Center sa San Juan. Nagbunga rin ang hirap ni veteran setter Rhea Dimaculangan nang tanghaling Most Valuable Player, kung saan umayuda siya ng 31 excellent sets para sa tatlong puntos ng Petron, tungo sa Game 3 win kontra F2 Logistics, 25-22, 26-24, 25-23. Ito ang unang MVP trophy ni Dimaculangan sa PSL. Buhat sa 1-2 play ni Dimaculangan, inilatag niya sa championship point ang…

Read More

TAGTUYOT SA KAMPEONATO, WINAKASAN NG MAGNOLIA

MAGNOLIA CHAMP

WINAKASAN ng Magnolia Hotshots ang apat na taong tagtuyot sa kampeonato, matapos dispatsahin ang Alaska Aces, 102-86 at angkinin ang 2018 PBA Governors’ Cup crown sa Game 6, Miyerkoles ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City. Isang magandang pamasko sa fans ang pagkakapanalo ng Magnolia, na huling nanalo ng korona noong 2014 Governors’ Cup dala ang pangalang San Mig Coffee, tinalo ang Rain or Shine sa five games upang kumpletuhin ang Grand Slam sa ilalim ni coach Tim Cone. Pinangunahan ni import Romeo Travis ang Hotshots sa kanyang double-double…

Read More

ARELLANO WALA PANG TALO

ARELLANO UNIVERSITY VOLLEYBAL

WALA pa ring talo ang defending champion Arellano University matapos idagdag sa listahan ng biktima ang Colegio de San Juan de Letran, 25-13, 25-18, 25-15 sa NCAA Season 94 women’s volleyball tournament, Martes sa FilOil Flying V Center. Si Princess Bello ay may 13 points, habang si Carla Donato naman ay may 12 hits para akayin ang Lady Chiefs sa 6-0 win-loss card. Dalawang panalo na lang at swak na sa Final Four ang Arellano, at tatlo pa para maka-sweep patungo sa finals. Umiskor naman sina Nicole Ebuen at Regine…

Read More