ISANG mambabatas sa katauhan ni Sen. Francis Tolentino ang kamakailan ay nagpahayag ng pagkabahala sa aniya’y tila nauusong pagkatawan ng ilang magagaling na atletang Pilipino sa mga dayuhang bansa dahil sa umano’y kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan. Sa isang plenary session ng Kongreso sa mungkahing P375 million budget ng Philippine Sports Commission, binanggit ng mambabatas mula Cavite ang napapanahong pagkakaroon ng programa para maiwasan ang aniya’y lumalawak na pangangalap ng lokal na talento kasunod ng mga nakaraang pagtalikod sa bansa ni Fil-Japanese golfer Yuka Saso at chess player Wesley…
Read MoreCategory: SPORTS
WARRANT OF ARREST VS 17 GAMEFIXERS
NAKATAKDANG isilbi ang warrant of arrest sa 17 kataong sangkot sa game fixing sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Sinabi ni MPBL Commissioner Kenneth Duremdes, nangyari ang insidente noong 2019, nang masangkot ang koponan ng SOCCSKSARGEN Marlins sa game-fixing. “Based on the report to us the other week by our legal department, out na po ang mga warrant of arrest doon sa mga involved sa nai-file na case, and again, ipinapakita lang ng liga na seryoso tayo laban sa mga ilegal na activities dito sa ating palaro,” ani Duremdes. “Kailangan…
Read MoreLIM, TSUKII KINAPOS
NABIGO sina Southeast Asian Games gold medallists Jamie Christine Lim at Juna Tsukii sa kanilang kampanya sa 25th World Karate Federation (WKF) World Championships sa Hamdan Sports Complex bubble sa Dubai, United Arab Emirates. Nakatuntong sa semifinals si Lim ngunit nabigo sa dikit na ikaapat na laban sa Pool 1 kontra Anita Serogina ng Ukraine. Naiskoran sa natitirang 1:44 minuto sa -71kg ang University of the Philippines graduate na si Lim matapos silang magtabla sa iskor na 1-1 ni Serogina. “Jamie lost her 4th round fight 2-1 to Ukraine (European…
Read MorePBA 3×3 opening, tuloy! GOVERNORS CUP MAAANTALA
Ni ANN ENCARNACION TULOY ang 13 teams-PBA 3×3 simula bukas (Sabado) sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Ngunit posibleng maantala ang 2021 Governors’ Cup, na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 28, ayon mismo kay PBA commissioner Willie. Pag-amin ni Marcial, maraming imports ang hindi pa dumarating sa bansa kaya’t malamang ay sa Disyembre na makapagsimula ang second conference. “Kailangan kumpleto ‘yung imports bago natin simulan,” ayon sa league commissioner. Sa kasalukuyan, limang imports pa lamang sa kabuuang 12 ang nasa Pilipinas na. Sila ay sina Olu Ashaolu ng Alaska, Brendan…
Read More2021 Super World Championships 2 TANSO SA PH BOWLING TEAM
Ni ANN ENCARNACION NAGBULSA ng dalawang bronze medals ang Philippine men’s at women’s bowling team sa 2021 International Bowling Federation (IBF) Super World Championships sa Dubai, United Arab Emirates Martes ng madaling araw (Manila time). Tinuldukan ng national team ang 15 taong medal drought ng bansa sa World Championships matapos ang gold medal finish ni Biboy Rivera sa Masters noong 2006. Kabilang sa national women’s squad sina Rachelle Leon, Mades Arles, Norel Nuevo at Uella Marcial. Nagkasya sila sa tanso nang maungusan sa semifinals ng Malaysia. Gaya ng mga Pinay,…
Read MoreALCANTARA, PARTNER WAGI SA TEXAS
WAGI si Filipino tennis player Francis Casey Alcantara at British partner Mark Whitehouse sa men’s doubles event ng M25 Harlingen sa Texas, USA. Nakopo nina third seed Alcantara at Whitehouse ang kampeonato makaraang maungusan via three-sets (3-6, 6-3, 10-5) ang top seed duo nina Luke Johnson ng Great Britain at American Toby Kodat sa doubles’ finals noong Linggo. Ang 29-anyos Pinoy veteran netter ay gold medallist sa nakaraang 30th Southeast Asian Games noong 2019 na ginanap sa bansa. Kamakailan lang ay nagkampeon din siya sa men’s double ng M25 Calabasas…
Read MoreLAKERS PAHIYA SA BULLS
NILAMPASO nina DeMar DeRozan, nagtala ng season-high 38 points at Zach LaVine, 26 points at ng Chicago Bulls ang naghihikahos na Los Angeles Lakers, Lunes (Martes sa Manila) sa Staples Center sa Los Angeles. Maging si Lonzo Ball ay may season-high 27 points, may kasamang eight assists at seven rebounds laban sa dati niyang koponan, tungo sa ikaapat na panalo sa limang laro ng Bulls, kasunod ng panalo laban sa Clippers noong Linggo. Tinapos din ng Chicago ang eight-game skid nito laban sa Lakers mula noong Nobyembre 2016. Nagsanib sina…
Read MoreOKC KINAWAWA NI KD
BALITANG NBA Ni VT ROMANO BINALEWALA ni Kevin Durant ang pag-‘boo’ sa kanya ng fans. Umiskor ng 33 points upang akayin ang Brooklyn Nets sa 120-96 win kontra Thunder, Linggo (Lunes sa Manila) sa Oklahoma City. Lumaro si Durant ng eight seasons sa Oklahoma City, wagi ng apat na scoring titles at MVP award at nagawa ring bitbitin ang Thunder sa NBA Finals, bago lumipat sa Golden State Warriors noong 2016. Pero, tila hanggang ngayon ay hindi pa rin siya napapatawad ng fans sa pag-iwan niya sa koponan sa free…
Read MoreMatapos pagharian US Open Pool ABU DHABI 9-BALL TINUMBOK NI BIADO
MAINIT pa rin ang mga kamay ni Pilipino cue artist Carlo Biado na matapos maghari sa US Open Pool ay nakopo rin ang Abu Dhabi Open 9-Ball, Biyernes sa Power Break Billiard Hall sa United Arab Emirates. Diniskaril ng 2021 US Open Pool champ ang kababayang si Jordan Banares, 13-6, sa Abu Dhabi final at ibinulsa ang AED20,000 (P272,000) cash prize. Nakatanggap naman si Banares ng AED10,000 (P136,000) bilang runner-up sa 64-man tourney na organisa ni Abu Dhabi-based Pinoy Jayson Nuguid. “I’m very happy to win again, especially in an…
Read More