NASA Dubai na sina karatekas Junna Tsukii at Jamie Lim para sa nalalapit na 2021 WKF Karate World Championship. Nitong Biyernes ay ibinahagi ng Filipino-Japanese karateka sa kanyang Facebook account ang paglapag nito sa Dubai matapos ang kanyang training sa Serbia. “Arrived in Dubai in perfect condition. Thank you to everyone who had supported me, I’m really excited” caption ni Tsukii na sasabak sa female kumite -50kg event ng world championship. Sa kanyang Instagram story naman ibinahagi ni Lim ang pagdating sa Dubai. Nag-ensayo siya sa Baguio City at nakatakdang…
Read MoreCategory: SPORTS
SMB ‘di pa tapos magtapon ng players CABAGNOT BYAHENG DYIP NAMAN
MAKARAANG i-trade sa NorthPort si Arwind Santos, isa pang veteran Beermen na si Alex Cabagnot ang ibinyahe naman sa Terrafirma ng San Miguel. Kasunod ng pagtapon kay Santos kapalit ni Vic Manuel, si Cabagnot naman ang ididispatsa ng SMB tungo sa Dyip, kapalit nina Fil-Am guard Simon Enciso at dating No. 1 draft pick Roosevelt Adams. Kapag nakumpleto na ang negosasyon na naghihintay na lang ng basbas ng PBA Trade Committee, makakasama na ni CJ Perez ang dalawang players mula sa dati niyang koponan. Tinalo ang SMB ni coach Leo…
Read More2021 World Weightlifting Championship HIDILYN DIAZ ATRAS NA
NAGDESISYON si Filipino first Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na mag-withdraw na sa World Weightlifting Championship na nakatakda sa Disyembre sa Tashkent, Uzbekistan. Sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, kakulangan sa preparasyon ang dahilan sa pag-atras ni Diaz. Higit dalawang taong nag-training sa Malaysia ang Pinay weightlifter bago naiuwi ang pinakaaasam ng bansa na gintong medalya mula sa 2020+1 Olympics ilang buwan na ang nakalilipas. At dahil humigit-kumulang apat na buwan lang ang pagitan ng Tokyo Games at WWC, malabong makapag-compete siya sa mga karibal sa…
Read MoreGUARTE, PERPEKTO SA 4 OBSTACLE RACES
WINALIS ni dating national track athlete Mervin Guarte ang apat na races sa Spartan Philippine National Series Leg 4 sa Batangas Lakelands nitong Nobyembre 6-7 sa Balete, Batangas. Kasalukuyang miyembro ng national obstacle course racing team, nagtala si Guarte ng 27:28 tiyempo upang manguna sa 5 kilometrong obstacle race, na ang unang tatlong leg ay kanya ring pinagharian. Dating middle distance runner at national record holder sa 800m si Guarte, na ngayon ay 4x800m national athletics record holder din kasama sina Wenlie Maulas at Paul Billones. Miyembro ng Philippine Air…
Read MoreEJ OBIENA SASABAK SA PH ATHLETICS OPEN
UUWI ng Pilipinas ang unang 2020 Tokyo Olympics qualifier, si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena. Kaugnay nito, sasabak siya sa inorganisang torneo ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), ang 2021 Ayala Philippine Athletics Championships na nakatakda sa Disyembre 9-10 sa Philsports Track Oval sa Ultra, Pasig City. Nauna nang ipinahayag ni Obiena ang pagnanais na makasali sa annual competition, na dalawang taong nakansela dahil sa COVID-19 pandemic. Patuloy ang pagsasanay ng Pinoy Olympian sa pamamagitan ng pagsali sa iba’t ibang torneo bilang paghahanda sa 2024 Paris Olympics.…
Read MoreFIL-FOREIGN PLAYERS NILUWAGAN
PHILIPPINE passport na lang ang kailangan ng mga Filipino-foreign players para maging eligible sumali sa annual draft at tuluyang makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA). Ito ang ibinalita ni league chairman Ricky Vargas kahapon sa PSA online Forum, kung saan sinabi niyang aprubado na sa board ang nasabing usapin sa Fil-foreign players. Kung maaalala, maliban sa Philippine passport, ang Fil-foreign players ay kinakailangang magsumite ng certification mula sa Bureau of Immigration at affirmation buhat sa Department of Justice. Pero, hindi na ngayon. Mas pinagaan na ng liga ang requirement para…
Read MorePBA 46th season Second Conference sisimulan na
HANDA na ang PBA na simulan ang Second Conference ng ika- 46 season ng liga sa huling linggo ng Nobyembre. Handa na rin ang kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na muling tanggapin ang fans sa mismong venue. Isang conference lamang (Philippine Cup) ang naidaos sa Clark bubble noong nakaraang taon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic. At bagama’t mas maluwag kumpara noong 45th season ang 2021 All-Filipino sa Bacolor, Pampanga pa rin, bawal pa rin ang live audience. Ngunit ngayong nasa Alert Level 2 na ang Metro Manila, tuloy…
Read MoreBUCKS IBINAON NG WIZARDS
BALITANG NBA Ni VT ROMANO MALAMIG ang naging pagtanggap ng Wizards sa defending champion Milwaukee Bucks nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa Washington. Kinaldag ng Wizards sa pangunguna ng 30 points ni Bradley Beal ang Giannis Antetokounmpo-lead Bucks, 101-94. Nagtala si Beal ng 14 of 22 shots, nagdagdag ng eight assists para sa ikalawang sunod na panalo ng Washington. Si Kyle Kuzma ay nag-ambag ng 15 points at 10 rebounds habang may 15 points din si Montrezl Harrell para sa Wizards, na gumuhit din ng 50.6% sa field, kasama ang…
Read MorePPG Online Chess Competition 150 PARA-CHESSERS KAKASA
MAHIGIT 150 para-athletes ang sasabak sa Philippine Sports Commission’s Pilipinas Para Games Online Chess Competition na magsisimula sa Nobyembre 19. “We are launching this project in our effort to continue to address our need for a truly comprehensive grassroots sports development program for our para-athletes, and continuously harness their full potential,” sabi ni PSC Oversight Commissioner for para-athletes Arnold Agustin. Isasagawa sa tatlong regional legs ang naturang online chess competition na may anim na kategorya para sa Visually Impaired B1 Completely Blind Men, Visually Impaired B1 Completely Blind Women, Visually…
Read More