Ni ANN ENCARNACION MARAMI ang nagulat sa pag-trade kay Arwind Santos ng San Miguel tungo sa NorthPort. Lalo pa’t ang nakapalitan niya ay si Vic Manuel. Si Santos ay bahagi ng Beermen simula noong 2009 at nakasama sa siyam na kampeonato ng koponan, kabilang ang limang magkakasunod na Philippine Cup titles noong 2015 hanggang 2019. Parte rin siya ng tinaguriang ‘Death 5’ o starter five ng San Miguel. Siya rin ang huling Beermen, na ‘di nagngangalang June Mar Fajardo, na nahirang na Most Valuable Player ng liga noong 2013. Samantala,…
Read MoreCategory: SPORTS
LAKERS ALAT SA THUNDER
BALITANG NBA Ni VT ROMANO UMISKOR si Shai Gilgeous-Alexander ng 28 puntos, tampok ang 34-foot 3-pointer sa nalalabing 1:18, upang talunin ng dayong Oklahoma City Thunder ang Los Angeles Lakers, 107-104, kahapon (Biyernes sa Manila). Nagdagdag si Luguentz Dort ng 17 para sa ikalawang panalo ng Oklahoma sa loob ng walong laro. Ang unang panalo ng Thunder ay laban din sa Lakers walong araw na ang nakalilipas. Nagtala naman si Anthony Davis ng 29 points at 18 rebounds para sa Lakers, minus LeBron James (abdominal strain) na hindi rin naglaro…
Read MoreTarget ng TNT, mawalis 46th PBA season
SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA NATULDUKAN man ang anim na taong pagkauhaw sa kampeonato nang makuha ang korona sa 2021 PBA Philippine Cup, hindi pa kuntento ang Talk ‘N Text Tropang Giga. Simula noong makopo ang 2015 PBA Commissioner’s Cup, ngayong ika-46 season ng liga lang ulit nakatikim ng kampeonato ang TNT, kaya’t gusto nilang bumawi at kunin din ang titulo ng second conference kung matutuloy ito sa huling bahagi ng kasalukuyang taon. Tulad ng kampanya para makamit ang ika-8 kampeonato para sa MVP (Manny V. Pangilinan) Group, inaasahang itutuloy…
Read MoreBoksingerong Pinoy sa 2024 Olympics tutulungan ni RSA
SA layong mabawi ang nawalang oportunidad ng mga boksingerong Pilipino na manalo ng gintong medalya sa nakaraang XXXII Games of the Olympiad na idinaos sa Tokyo, nangako si businessman-sportsman Ramon S. Ang ng San Miguel Corp. ng tulong upang maisakatuparan ang mga pangarap na naunsyami dala ng COVID-19. Maalalang ang kumunidad ng boksing sa bansa ay umasang matuldukan ang 97 taong paghihintay simula nang ang Pilipinas ay unang lumahok sa Olimpiyada noong 1924 sa Paris. Ang dahilan: ang pamamahala ng kompetisyon mula sa mga qualifying tournament hanggang sa mismong Olympics…
Read MoreOLD FACES, NEW GOAL PARA SA PDSF
MAKARAANG maghakot ng mga medalya sa 30th Southeast Asian Games sa Manila noong 2019, target ng Philippine Dance Sports Federation (PDSF) na maduplika kundi man mahigitan pa ito sa susunod na edisyon ng biennial meet sa Vietnam sa 2022. Kaya nagdesisyon ang pederasyon na ipadalang muli ang matatagumpay na parehang nag-uwi ng kabuuang 12 medalya – 10 golds at 2 silvers – sa nabalam (dahil sa COVID-19) na 31st SEA Games sa Hanoi sa Mayo. Naging malaking paktor din sa desisyon ng PDSF ang kawalan ng kompetisyon ng mga amateur…
Read MoreAFC Women’s Asian Cup India 2022 MABIGAT KALABAN NG PINAY BOOTERS
LITERAL na bigatin ang makakabangga ng Pilipinas sa AFC Women’s Asian Cup India 2022 sa Enero 20 hanggang Pebrero 6. Napasama ang Pinay booters sa Group B kasama ang Australia, Thailand, at Indonesia. Sa tatlong makakalaban, Australia ang inaasahang magiging ‘tinik sa lalamunan’ ng national squad lalo’t dati na itong nagkampeon (2010) at naging runners-up sa huling dalawang edisyon ng torneo. Sa kabila nito, nananatiling palaban ang Pinay booters, na nakuha ang isa sa five automatic berths sa 2023 Fifa Women’s World Cup sa Australia at New Zealand. Ang top…
Read MoreMIKEY WILLIAMS: FINALS MVP, PBA ALL-FILIPINO CHAMPION
Ni ANN ENCARNACION TINANGHAL na unanimous Honda-PBA Press Corps Finals MVP ang Filipino-American na si Mikey Williams makaraang magkampeon ang kanyang team na TNT, Biyernes ng gabi sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga. Naging susi ang 30-anyos na si Williams upang makopo ng Tropang Giga ang All-Filipino championship, matapos pasukuin ang Magnolia Hotshots sa Game 5 lang ng dapat ay best-of-seven series. Nag-average ang TNT rookie ng 27.6 points, 5.2 rebounds at 4.8 assists sa limang games upang wakasan ang six-year title drought ng prangkisa. Si…
Read MoreJAZZ PERPEKTO SA 4-0
UMISKOR si Bojan Bogdanovic ng 19 at pitong Utah Jazz players ang may double figures sa 122-91 win kontra Houston Rockets. Ikaapat na sunod na panalo ito ng Utah, pinakamagandang start mula noong 2006-2007 season. Bukod kay Bogdanovic, sina Rudy Gobert, Donovan Mitchell, Eric Paschall, Hassan Whiteside, Jordan Clarkson at Joe Ingles ay umiskor din ng double figures. Si Christian Wood naman ang nanguna sa Houston, 16 points habang si Fil-Am player Jalen Green ay may 13 points mula sa 3-of-16 shooting. Sablay ang walo niyang 3-point attempts. May 14…
Read MoreKNICKS NAKATAKAS SA BULLS
NAGPAKATATAG sina Kemba Walker (21 points), RJ Barrett (20 points) at ibinalik ng New York Knicks sa lupa ang Bulls, nang ipalasap dito ang unang kabiguan sa season via 104-103 sa Chicago. Si Julius Randle ay may 13 points at 16 rebounds. Mula sa bench ng New York, tumulong si Derrick Rose at umiskor ng 12 points laban sa former team niya tungo sa ikalawang sunod na panalo ng Knicks para umangat sa 4-1. Sa kabila ng torn ligament sa left thumb, umiskor si Chicago star Zack LaVine ng 25…
Read More