SPURS SILAT SA MAVS BALITANG NBA Ni VT ROMANO

spurs vs maverics

BALITANG NBA Ni VT ROMANO   INISKOR ni Luka Doncic ang 10 ng kanyang game-high 25 points sa fourth quarter nang tibagin ng Mavericks ang San Antonio Spurs, 104-99, Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila) sa Dallas. Kumapit ang Mavericks mula sa alley-hoop pass ni Doncic kay Dwight Powell tungo sa 86-84 lead, 8:33 sa laro. Pinalobo ito ng Mavs sa 11-point gap nang humirit si Doncic ng step-back 3-pointer makalipas ang 3 1/2 minutes. Nagdagdag si Jalen Brunson ng 19 points sa Mavericks, habang si Dorian Finney-Smith ay may…

Read More

SAPATOS NI MJ NABENTA NG $1.47-M

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NABENTA sa halagang $1.47 million ang pares ng sneakers na ginamit ni Michael Jordan noong rookie year niya. Sa auction na ginanap noong Linggo (Lunes sa Manila), natabunan nito ang dating record na $615,000 set ng Jordan shoes noong nakaraang taon. Sa estima ng Sotheby’s, ang naturang sapatos ay nasa pagitan ng $1 million at $1.5 million. Si Nick Fiorella, isang card collector, ang may winning bid na $1.47M sa Sotheby’s Icons of Excellence & Haute Luxury auction sa Las Vegas. Isinuot ni Jordan ang…

Read More

2021 PBA Philippine Cup Finals, Game 4 TNT MINUS TROY

Ni ANN ENCARNACION NGAYONG gabi ang Game 4 sa pagitan ng TNT at Magnolia sa kanilang best-of-seven ­Philippine Cup final series kung saan angat ng isa (2-1) ang Tropang Giga. Ngunit lalaro ang TNT na wala ang isa sa kanilang key player na si Troy Rosario, na na-injure noong Game 3, na pinagwagian ng Magnolia, 98-106. Iniulat ng koponan na ang 29-anyos na forward ay nagtamo ng spinal shock matapos bumagsak bunsod ng flagrant foul ni Hotshots Jackson Corpuz ng Magnolia. Ang spine injury ay nagdulot kay Rosario ng halos…

Read More

Dahil sa gold, silver sa World Championships P750K INSENTIBO KAY YULO

Ni VT ROMANO INAPRUBAHAN ng Philippine Sports Commission (PSC) Board ang ‘special incentives’ na ipagkakaloob kay gymnast Carlos Yulo. Halagang P750,000 ang tatanggapin ni Yulo bunga nang kanyang double-medal performance sa 2021 World Artistic Gymnatics Championships sa Kitakyushu General Gymnasium sa Japan, kung saan P500,0008 para sa gold at P250,000 naman sa silver. Si Yulo ang unang Filipino multi-medalled gymnast sa nasabing torneo, makaraang kunin ang gold medal sa men’s vault sa iskor na 14.916 points, laban kay Japanese Yonekura Hidenobu (14.866 points). Tumapos naman siyang runner-up sa men’s parallel…

Read More

MPBL MAY BAGONG PARTNER

NAKIPAGSANIB ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Chooks-To-Go ni Ronald Mascariñas. “I am elated to have this new partnership given that Chooks-to-Go is a very organized ­organization especially in basketball,” sabi ng retired eight-division world champ. “I saw the world-class event of their one-day invitational league in San Fernando (Pampanga) and I was impressed,” papuri ni Pacquiao sa nakaraang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 Invitational tournament noong nakaraang linggo. “They are the only group in partnership with FIBA 3×3 in the country. With that, they basically know…

Read More

GAP ALL-OUT KAY CALOY YULO

KINUKUMPLETO na ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang buong team na tutulong upang makamit ni Carlos Edriel “Caloy” Yulo ang inaasam na gold medal sa 2024 Paris Olympics. Sinabi ng GAP prexy, nasa final negotiation stage na sila para sa magiging sports psychologist at sports nutritionist ng Pinoy vault champ sa katatapos lang na World Championships, upang makumpleto na ang Team Yulo na kinabibilangan din nina Japanese coach Munehiro Kugimiya at physical therapist Jumpei Konno ang kasama. Si Carrion-Norton ay nakatakdang dumalo sa International Gymnastics…

Read More

CURRY, 1st WARRIOR NA MAY 5K ASSISTS

nba

BALITANG NBA Ni VT ROMANO NAGTALA si Stephen Curry ng 27 points at naging unang player ng Warriors franchise history na nakapaglista ng 5,000 assists, nang akayin ang Golden State sa 3-0, sa Sacramento. Tinalo ng Warriors ang Kings, 119-107, sa pangunguna ni Curry, may 10 assists at seven rebounds. Ang two-time MVP ay umiskor ng hanggang 20 points at may 10 rebounds sa unang dalawang laro ng Warriors. Tumulong din si Jordan Poole, 22 points, habang si Draymond Green ay nagdagdag ng 14 points, six rebounds at seven assists.…

Read More

BUCKS UMISKOR SA SPURS

BALITANG NBA Ni VT ROMANO DUMAYO ang Milwaukee Bucks sa San Antonio, umiskor si Khris Middleton ng 28 points at nagdagdag si Giannis Antetokounmpo ng 21 para talunin ang Spurs, 121-111. Nagtala si Doug McDermott ng 25 points at si Keldon Johnson, 20 points sa ikalawang sunod na talo ng San Antonio, matapos ang season-opening home win kontra Orlando. Tinapatan ng Bucks ang paulit-ulit na spurt ng Spurs tungo sa pagkolekta ng kanilang ikalawang double-digit victory. Bawat Milwaukee starter nag­tala ng double figures at si George Hill ay nagdagdag ng…

Read More

Bakit hindi naglalaro para sa Pilipinas si Super GM Wesley So?

LIMANG araw pa lamang ang nakararaan, ng ang Super Grandmaster na si Wesley So ay matagumpay na naipagtanggol ang kan­yang korona bilang U.S Chess Champion. Ang ikinalulungkot ng mga kababayan niya sa Pilipinas, nakamit niya ang karangalan hindi na bilang isang Pilipino. Ang 28 anyos na tubong Bacoor, Cavite ay tatlong beses nang ­naging U.S champion. Ngunit sa pagkakataong ito, bilang isa nang ganap na mamamayan ng Amerika matapos makuha ang kanyang bagong citizenship noong Pebrero 2021. Ilang mensahe ang natanggap ng ­kolum­nistang ito mula sa mga mambabasa na nagtatanong…

Read More