Anti-graft posturing ni Mayor Vico Sotto hanggang salita lang, ayon sa Tayo Pasig Movement

PASIG City – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na pagbatikos sa sinasabi nyang mga korap at tiwaling namumuno noon sa lungsod, pero hanggang sa ngayon ay wala pa umano itong naipakukulong, o pormal na nasampahan ng kaso sa Ombudsman o sa alinmang sangay ng hukuman. Pahayag ito ng bagong tatag na ‘Tayo Pasigueño Movement,’ isang sectoral org para sa tapat na serbisyo, bilang pagsusog at suportang reaksiyon sa panawagan sa social media ng mga residente na kailangang “ipakita ng punong-lungsod ang mga sinasabi nyang…

Read More

PFP MAY MAYORALTY BET NA SA 2025 ELECTION SA PASIG CITY

Si Partido Federal ng Pilipinas secretary general Tom Lantion habang pinapanumpa bilang mga bagong miyembro ng PFP mula sa Pasig City ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya (pangatlo at pang-apat mula sa kanan), kasama ang kilalang dating konsehal ng lungsod na si Mario Concepcion, Jr. (pangalawa mula sa kanan) at ang dating chairman ng Brgy. Bambang na si Reynaldo Samson, Jr. (dulong kanan) PASIG City —- Tinatayang mapapalaban si Mayor Vico Sotto sa darating na 2025 midterm election matapos manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas ang mag-asawang benefactor…

Read More

WALANG HARASSMENT SA KASONG MURDER VS 2 MASBATE MEDIA WORKER

MASBATE City – Lehitimo at walang kulay pulitika o media harrasment ang isinampa na kasong murder laban sa dalawang media workers ng DyME radio station sa lalawigan ng Masbate. Sa pahayag ni Ruben Fuentes, presidente ng Masbate Quad Media Society, Inc., kanyang sinabi na batay sa information na isinampa ni Provincial Prosecutor Jeremias Mapula sa Cataingan Regional Trial Court Branch 49 noong Hulyo 2, 2024, ang mga kasong kinakaharap nina Benjamin Gigante alyas ‘Ka Ben’ at Jhay Alfaro alyas ‘Ka DJ’ na umano’y renegade member ng MQMSI, kasama sina Bernie…

Read More

P9.6 bilyong new Pasig City Hall project inulan ng batikos mula sa netizens

UMANI ng matinding puna sa netizens ang P9.6 bilyong new Pasig City Hall project na ipinagmamalaki ni Mayor Vico Sotto bilang kanyang legacy sa naturang lungsod. Tinawag ng nitizens ang ideya ng magarbong proyekto na nagmula sa baluktot na paglatag ng prayoridad para sa serbisyong bayan na higit na kailangan ng Pasigueños. “Aanhin namin ang mararangyang gusali kung wala namang laman ang aming mga kawali,” pahayag ni Jessa Hipolito sa kanyang Facebook. Si Regine Gardose naman ay ginamit ang kanyang Facebook account upang isalaysay ang nangyari sa kanyang ina na…

Read More

ANG NAG-AKUSA KAY MAYOR GUO ANG DAPAT MAGPATUNAY NA HINDI SIYA PILIPINO — SENATE PRESIDENT CHIZ ESCUDERO

HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat magpatunay na hindi siya Pilipino. Ito ang ipinaalala ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na nagsabing sa ngayon ay mananatili ang presumption na Pilipino ang alkalde batay sa mga dokumentong naiprisinta at mga testimonyang kanyang naibigay sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality. “Oo may rason para mag-alanganin tayo pero ang presumption ay nananatilli pa rin. Siya ay nakatakbo, registered voter, may passport siya na Pilipino siya. Kaya nasa nagsasabi na…

Read More

Tala, Bayad, Magkatuwang sa Pagsulong ng Financial Inclusion sa Pilipinas

Opisyal na inanunsyo ng Bayad at Tala executives ang kanilang partnership na naglalayong makatulong sa financial inclusion ng mas maraming Pilipino. Makikita sa larawan mula sa kaliwa) sina Tala President and Head of Finance Charisse Alvarez; Tala Chief Business Officer Jori Pearsall; Bayad President and CEO Lawrence Y. Ferrer; at Bayad Chief Commercial at Marketing Officer Dennis S. Gatuslao   Opisyal nang inanunsyo ng Tala Financing Philippines, Inc. (Tala), isa sa mga nangungunang digital lending institution sa Pilipinas ang kanilang partnership sa CIS Bayad Center, Inc. (Bayad), isang multi-channel payment…

Read More

Tala: Paano Makaiwas sa Online Lending Scams

Ayon sa Tala, gamit ang tamang impormasyon, makagagawa ng matalinong desisyon tungkol sa kanilang buhay pinansyal ang mga konsyumer at makaiiwas sila sa mga online lending scam. Laganap pa rin ang online scams na maging ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ay nagbigay na rin ng babala sa publiko na paigtingin ang pagiging alerto laban sa mga online scammer. Ayon sa Pangulo, ang pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang sarili kontra online scammers ay ang pagiging konsyumer na may sapat na kaalaman. Kasabay nito, patuloy ang pagtugis ng gobyerno sa mga…

Read More

MAYA INULAN NG REKLAMO MULA SA NETIZENS

INULAN ng reklamo sa social media mula sa mga dismayadong customer ang umano’y hindi magandang serbisyo ng Maya, isang digital bank na may all-in-one money app sa bansa. Ilang araw nang walang patid ang reklamo ng mga netizen na idinaan sa Facebook at Twitter ang kanilang mga hinaing. Partikular na inupakan ng mga netizen ang poor customer service ng Maya, ang mabagal na pagta-transfer ng pera sa kanilang account , ang hindi pagpasok ng cash in sa kanilang wallet, at ang biglaang pagsasara sa kanilang mga account. Kinuwestiyon din ng…

Read More

SMART SIM CARDS PINAKAMARAMI SA MGA NAKUMPISKA SA PASAY POGO HUB RAID

PINANINIWALAAN ng mga awtoridad na mas paboritong gamitin sa online scam ang SIM card ng Smart telecom kung pagbabasehan ang mga nakumpiskang digital items sa raid sa isang POGO hub sa Pasay City kamakailan. Kinumpirma ni Presidential Anti-Organized Crime Commission head Usec. Gilbert Cruz na sa mahigit 20,000 pre-registered SIM cards ay umaabot sa 15,683 ang sa Smart telecom. Ang natitirang bilang ay pinaghati-hatian umano ng parehong local at international internet service providers, kabilang ang Globe telecom. Ang POGO hub raid sa Pasay ay kabilang sa serye ng pagkilos ng…

Read More