IPINAGDIWANG ng CHILD Haus ang ika-24 anibersaryo nito noong Setyembre 6, 2026 sa Palacio de Manila sa Maynila, na pinangunahan nina founder Ricky “Mader” Reyes at Hans Sy ng SM Prime Holdings.
Binigyang-pugay sa pagdiriwang ang Center for Health Improvement and Life Development (CHILD Haus) para sa patuloy nitong pagsuporta sa mga batang may cancer.
Itinampok din sa programa ang 24 na batang benepisyaryo na tumatanggap ng libreng serbisyo mula sa CHILD Haus.
Kasama sa programa ang montage ng kasaysayan ng CHILD Haus mula 2003 hanggang 2026, na nagpakita ng mga larawan ng mga batang benepisyaryo mula sa kanilang pagkabata hanggang sa kasalukuyan.
Isinagawa rin ang pag-awit ng pambansang awitin ng CHILD Haus ni Jamie Aquino, na sinamahan ng mga bata at ng Philippines Suzuki Youth Orchestra.
Dinaluhan at sinuportahan ng mga donor ng CHILD Haus ang naturang pagdiriwang. (JOCELYN DOMENDEN)
62 