China ipinako sarili sa krus SINOPHOBIA ‘WAG ITURO SA PILIPINAS – GIBO

MATINDI ang reaksyon ni Defense secretary Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr. kaugnay ng usapin ng West Philippine Sea (WPS) at kawalan ng respeto ng Tsina sa ating soberanya.

“I will say without hesitation that they are the main cause of sinophobia. Plus their intelligence act of 2017 which mandates every Chinese national to be an intelligence operative of the Ministry of State Security,” anang Teodoro sa chance interview nitong Martes sa Shangri-la sa Mandaluyong City.

“I mean, sila ang pumako sa sarili nila sa krus,” sabi pa ng kalihim sa panayam.

Ayon dito, ang Chinese Communist Party (CCP) at hindi ang Pilipinas ang tunay na nagpapalaganap ng sinophobia.

Paliwanag pa ni Teodoro, kung mayroong sinophobia, ito ay sanhi ng “overreach” ng Chinese Communist Party at ni President Xi Jinping hindi lamang sa buong mundo kundi pati na rin sa kanilang sariling mamamayan.

“Kaya ito ay nagiging resulta nito ang pagkawala ng tiwala ng tao sa common Chinese person na hindi naman dapat. Gawa ng gobyerno nila. So napakalaking disservice ng ginagawa ng gobyerno nila e komunista at Leninista iyan, e ganun talaga ang regime, the dictatorship of the party. Iyon ang importante sa kanila e.

Tingnan mo ang history para lang ma-preserve iyan noong panahon ni Mao Zedong, 45 milyon sa kanilang mga kababayan namatay sa mga eksperimento saka sa Cultural Revolution,” dagdag pa nito.

Ang sinophobia ay isang termino na ginagamit upang ilarawan ang pagkamuhi, takot o pagkiling laban sa mga Tsino o sa kultura ng Tsina. Sinabi ito ng kalihim sa naging pulong nila ngayong araw ni Indonesian defense minister Sjafrie Sjamsoeddin sa Shangri-la.

Sentro ng talakayan ang pagpapalalim ng kooperasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), trilateral relations kasama ang Malaysia at mga hakbang kontra climate change.

Sinabi pa ni Teodoro na nananatiling committed ang Indonesia sa defense industry cooperation, lalo’t marami sa gamit pandigma ng Pilipinas ay galing sa Indonesia.

(JESSE KABEL RUIZ)

55

Related posts

Leave a Comment