UMAPELA kahapon si House Committee on Health at Quezon Rep. Angelina Tan sa Department of Health (DoH) na mapabilis ang delivery ng bakuna sa Quezon Province.
Ito ay matapos umanong makapagtala ng 791 bagong COVID cases sa loob lamang ng 2 linggo sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Tan na isang doktor at espeyalista sa tubercular at respiratory diseases, ang mabilis na pagbabakuna sa mga residente ang pinakamabisang paraan para agad na bumaba ang infections sa lalawigan.
Tinuran ni Tan ang mabagal na vaccination rollout sa Quezon Province at kawalan ng sapat na heath workers na isa sa mga dahilan ng biglaang pagtaas ng kaso.
Nabatid na nasa 0.02% lamang sa 2.1M residente ang nabakunahan sa Quezon, pinakamababa na vaccination rates sa buong Calabarzon.
“Unfortunately, our vaccination efforts in the province are very slow. We need to act fast. Many of my fellow kababayans are getting sick and by increasing the number of vaccinated people, we will be able to at least achieve a certain amount of immunity against the spread of COVID-19 virus,” pahayag ni Tan.
Sa datos ng DOH ay umabot na sa 10,000 ang naitalang COVID cases sa Quezon, sa nasabing bilang ay 791 ang bagong infections na naitala sa loob lamang ng nakalipas na dalawang linggo habang nasa 145 residente na ang nasasawi sa sakit.
Sa rekord ng DoH ay mayroong alokasyon ng Sinovac at Astrazeneca sa lalawigan subalit kakaunti pa rin ang bilang ng mga nabibigyan ng bakuna habang mismong si Quezon Gov. Danilo Suarez ay inanunsyo noong Abril 14 na mayroong inorder ang provincial government na Sputnik V vaccine na darating noong Abril 30 subalit maging ito ay hindi pa rin dumating.
ypjo”More vaccinated people, the higher the chance of defeating the spread of the virus. Crucial in our fight against COVID-19 is the alliance between government and the private sector. We need everyone’s help. Government cannot do this alone. We need the cooperation of every one,” pagtatapos pa ni Tan. (ABBY MENDOZA)

156