DELAY SA PAMAMAHAGI NG CASH AID, BUBUSISIIN NG SENADO

TINIYAK ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na iimbestigahan nila ang delay sa pamamahagi ng cash aid para sa mga apektado ng enchanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Kasabay nito, nanawagan si Sotto sa mga lokal na pamahalaan na abonohan na muna ang financial assistance sa kanilang constituents na hindi sakop ng Social

Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Sotto na maaaring abonohan muna ng lokal na pamahalaan ang tulong na kinalaunan ay maaari naman nilang singilin sa national government.

“Abonohan mo (LGU) muna. Makakasingil ka naman sa gobyerno eh,” saad ni Sotto.

“[During a crisis] ‘Yung mga rules rules na ganyan, bend ng konti. Kung puwede nga ibato na sa bintana ‘yan e… ‘Yung pera kikitain ulit ng gobyerno pero ‘yung buhay ng tao hindi puwede ibalik,” dagdag nito.

“Availability at kahandaan ang gobyerno, mayroon. Nagkakatalo sa distribution e,”diin pa ng senador.

Iginiit naman ni Sotto na paiimbestigahan nila ang backlog sa distribusyon ng cash aid sa 18 million poor families.

“The system should have been in place now if not for the red tape.

I will urge the Senate to investigate why this is so when we resume [session],” diin ni Sotto.

“I don’t see any conflicts and the availability of funds… It is in the local

level where the backlog is happening,” dagdag pa nito. DANG SAMSON GARCIA

174

Related posts

Leave a Comment