GOBERNADOR SUSUWAYIN SI PBBM DAHIL SA PULITIKA?

PINANGANGAMBAHANG madiskaril ang tulong na bahagi ng Handog ng Pangulo program ni Pangulong Bongbong Marcos, sa Kabikulan na isa sa mga target ng programa dahil umano sa pulitika.

Simultaneous ang gagawing pamamahagi ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa darating na Lunes, September 14, at dahil hindi mapupuntahan nang personal ni Pangulong Marcos ang lahat kaya naman nagbigay ito ng direktiba sa kanyang Presidential Management Staff (PMS) na magpadala ng kanyang kinatawan sa isa sa mga lalawigan sa kabikulan “handpicked” ni Pangulong Marcos ang nasabing opisyal.

Subalit ang kinatawan na itinalaga ni Pangulong Marcos ay tinututulan ng mismong gobernador dahil sa away sa pulitika.

Tanong ng mga impormante, tama ba ang gagawin ng gobernador na idiskaril ang pamamahagi ng tulong dahil ayaw nya ang representative na ipinadala ng Pangulo? Ang tulong ay hindi para sa gobernador kundi para sa mga residente.

Ang tanong din ng marami, dahil Die Hard Duterte Supporter (DDS) si governor ay kaya niyang isnabin ang programa ni Pangulong Marcos.

Bilang patunay na DDS si governor ay ginawa niyang ” adopted son” ng lalawigan ang isang senador na kilalang DDS.

“Kung ayaw ni gobernador na magkrus sila ng landas ng nasabing kinatawan ng Pangulo ay mainam na siya ang huwag na dumalo sa event, hindi deserve ng mga residente ng kanyang lalawigan ang isang opisyal na hindi maka-move on sa pulitika,” ayon pa sa impormante. (TM)

36

Related posts

Leave a Comment