MAS pabor sina Senators Raffy Tulfo at Erwin Tulfo na personal na humarap sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte upang direktang masagot ang mga alegasyon laban sa kanya.
Ayon kay Senator Raffy, mas mainam kung haharap mismo si VP Sara upang “straight from the horse’s mouth” o direktang marinig mula sa Bise Presidente ang kanyang sagot sa mga alegasyon.
Sa panig naman ni Senator Erwin, iginiit niyang ang impeachment court ang tamang forum para makapagsalita ang Bise Presidente at marinig ng lahat, lalo na ng kanyang mga supporter, ang kanyang panig.
Aniya, pagkakataon ito ni VP Sara na maipaliwanag ang kanyang panig at maipakita kung bakit hindi siya dapat ma-impeach.
Gayunman, aminado si Erwin na hindi maaaring pilitin ang Bise Presidente na humarap sa impeachment trial bilang paggalang sa kanyang posisyon.
Iginiit naman ni Senator JV Ejercito na prerogative ni VP Sara kung haharap siya sa impeachment trial at hindi siya maaaring pilitin.
(DANG SAMSON-GARCIA)
59 