Imee: Tangkilikin ang sariling atin PAGGAMIT SA LOCAL PPEs IGINIIT

NANAWAGAN si Senador Imee Marcos na pagtuunan ng pansin ang produksyon ng lokal na personal protective equipment (PPEs) imbes na umasa ang bansa sa mga imported na medical supplies gaya nito.

Ayon kay Marcos, maisasakatuparan ang pagpapalakas sa lokal na industriya kung aalisin ang ilang buwis ng mga local manufacturer ng PPEs at pagpapanatili ng export incentives nito lalo pa’t ang gagawing supplies ay para sa lokal na merkado.

Una nang inihain ni Marcos ang Senate Bill 1708 o ang Healthcare Manufacturing and Pandemic Protection Act, na hindi na kailangang magbayad ang mga local manufacturer ng buwis sa pag- import ng kanilang mga materyales at kagamitan, maging ng value-added tax at iba pang bayaring kinukolekta ng Bureau of Customs at Food and Drug Administration.

“Isang pangmatagalang solusyon ito para sa local na produksyon, para di na nga tayo aangkat ng mga PPE at iba pang medical supplies. Magbibigay trabaho pa ito sa sektor ng manufacturing at sagot sa hinaing ng ating mga healthcare worker sa kakulangan ng proteksyong medikal,” paliwanag ni Marcos. (NOEL ABUEL)

190

Related posts

Leave a Comment