INISYATIBA NI PBBM PINURI NG UN

PINURI ng United Nations (UN) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang inisyatiba para sa “youth empowerment, peace-building, at security.”

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na habang idinadaos ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-UN Summit, tinukoy ni UN Secretary-General António Guterres si Pangulong Marcos “for taking the lead in youth involvement for the ASEAN.”

Sa nasabing summit, ipinahayag ng Pangulo ang commitment ng Pilipinas sa “youth, peace at security agenda” kasabay ng paglulunsad ng National Action Plan (NAP) on youth, peace, and security ng Pilipinas noong nakaraang Agosto 2022.

Sinabi pa ng Malakanyang na tiniyak ni Pangulong Marcos sa global body na ipagpapatuloy ng Pilipinas na palakasin ang kasunduan nito sa UN.

“As I mentioned during our meeting in New York, we intend to enhance our role in peacekeeping operations, especially where there is a huge concentration of overseas Filipinos,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Inalala ang kanyang naging talumpati sa UN General Assembly dalawang buwan na ang nakalilipas, sinabi ng Pangulo na ang climate change ay malaking banta na nakaaapekto sa mga bansa at tao, isa aniya itong global problem na nangangailangan ng malakas na liderato mula sa UN.

Ipinahayag naman ni Pangulong Marcos ang kanyang pagpapahalaga sa kooperasyon at tulong ng ASEAN sa UN sa pamamagitan ng COVAX facility para tugunan ang COVID-19 pandemic.
“Our close cooperation has helped see all of us through the worst of the pandemic. I am looking forward to further cooperation in our pandemic recovery efforts to ‘build back better,” ang wika ng Pangulo. (CHRISTIAN DALE)

497

Related posts

Leave a Comment