NANINIWALA ako na sa ilalim nang pamumuno ni Chief Justice Diosdado Peralta ay walang hokus-pokus na maaaring makalusot o mangyari sa Korte Suprema.
Pero ano itong nabasa ko na balita sa pahayagang The Manila Times na isinulat ng kanilang Senior Reporter na si Jomar Canlas na mayroong isang kaso na may titulong Felix Chua vs United Coconut Planters Bank (UCPB) na umabot pa sa ika-apat na Motion for Reconsideration bago desisyunan ng tuluyan ng hukuman.
Ito ay sa kabila na mayroon nang final judgement at mayroon na ring tinatawag na entry of judgement na pabor kay Felix Chua ang Supreme Court pero tuloy pa rin sap ag-entertained ang hukuman sa ika-apat na MR na inihain ng UCPB gayung maituturing nang sarado ang kaso.
Nagturo pa nga ang SC na ang mosyon ng UCPB ay sinabi nilang prohibited pleadings sapagkat sa ikalawang MR pa lamang ay kwinestyon na agad ang layunin sa paghahain nito sa katastaasang hukuman.
Pero ano itong ika-apat na motion for reconsideration na naisumite pa na dapat sana ay agad na ring ibinasura? Anong mayroon sa kasong iyan na Felix Chua vs UCPB?
Ang hindi ko lang lubos maisip na sa sobrang higpit ni Chief Justice Diosdado Peralta ay napapalusutan pa siya ng ganitong masasabi nating prohibited pleadings o ipinagbabawal na apela.
Ang milyon-milyon kung katanungan ay kung anong mayroon sa kasong yan at bakit pilit paring binubuhay ng UCPB gayung lahat ng legal na proseso ay dinaanan na niyan.
At kung bakit hindi pa bigyan ng ultimatum ng Supreme Court yang kasong yan gayung maituturing nang isang saradong kaso yan dahil ang lahat na kailangang legal na proseso ay isinakatuparan na ng 3rd Division na ang chairman pa nga noon ng nasabing Division ay si dating Chief Justice Lucas Bersamin.
Hindi tuloy mai-alis sa aking isipan na pang mayaman at pang ma-impluwensyang tao nga yata talaga ang batas sa ating bansa?! kaya yung kasong masasabing patay na at mismong ang Supreme
Court pa ang nagdesisyon na siyang sinasabing “final arbiter” ng mga kaso, eh tila ba kaya paring mapalusutan?!
Kung sabagay mayroon ngang isang mahistrado ng Supreme Court na hindi umano nakapagsumite ng kanyang tamang statement of assets liabilities and networth (SALN) eh nariyan at nagdedesisyon ng mga kaso gayung ang mismong integridad nito pala ay kuwestyunable?.
Kaya po sana lang makita ito ng ating Punong Mahistrado at ng kanyang mga kapwa mahistrado na alam kong nagtataglay ng mataas na integridad, (maliban lang doon sa isang mahistrado).
Sana hindi sila kayang impluwensyahan nino man dahil kapag nangyari ngang ang kasong yan ni Felix Chua ay mabubuhay pa, at ang mismong Supreme Court pa ang gumawa nito? ay ano pa ang aasahan nang pangkaraniwang mamayan na umaasa sa Supreme Court na siyang sandalanan at makapagbibigay ng tamang HUSTISYA sa kanilang mga kaso, kung mangyayari ito sa kaso ni Felix Chua.
Ang kaso pong ito ay may kaugnayan sa may 44 ektaryang lupain nang angkan ni Felix Chua sa Lucena City kung saan matatapuan ang grand terminal sa naturang lungsod, na sinasabing malalaking negosyante ang nagka-interest sa naturang property.
177 