KAMPANYA PARA SA WAIS, RESPONSABLENG MAMIMILI PINAIGTING NG DTI

MAS pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pangunguna ni Secretary Ma. Cristina Roque, ang kampanya nito upang mapalawak ang kaalaman ng mga mamimili tungkol sa kanilang mga karapatan at sa pagpili ng ligtas at dekalidad na produkto.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa press briefing sa MalacaΓ±ang na alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kaalaman ng publiko tungkol sa consumer rights at kahalagahan ng pagpili ng ligtas at dekalidad na mga produkto.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng DTI ang publiko na makilahok sa Consumer Welfare Month 2026 ngayong Oktubre na may temang “Safe Products, Confident Consumers.”

Kabilang sa mga aktibidad ng DTI ang Consumer Fun Run sa Marikina Complex ngayong linggo at Konsyumer Assembly sa Barangay sa Metro Manila, na layong magturo ng praktikal na consumer safety tips, gayundin ang mga karapatan at responsibilidad ng mga mamimili.

Isasagawa rin ang Certified Products Expo sa SM Megamall mula October 13 hanggang 15, kung saan makikita ang mga sertipikadong produkto at matututunan kung paano beripikahin ang pagiging lehitimo ng mga ito.

Kabilang din sa mga programa ang National Standards Week, na magpapakita kung paano nakatutulong ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan ng mga mamimili; Bagwis Awards at Seal of Legitimacy, na kumikilala sa mga negosyong sumusunod sa mga kinakailangan; at Consumer Advocacy Making Challenge, kung saan maaaring gumawa ng short videos tungkol sa product safety at consumer rights.

Kasabay nito, magsasagawa rin ang mga DTI regional at provincial offices ng mga local seminar, community activity at youth program, gayundin ang mas pinaigting na pagbabantay sa mga pamilihan.

Para sa kumpletong iskedyul ng mga aktibidad, inaanyayahan ang publiko na bisitahin ang official website ng DTI o ang DTI Consumer Care Facebook page.

Ayon kay Castro, bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na itaguyod ang kaligtasan, kalidad at tamang pagpili ng mga produkto upang maging mas responsable at kumpiyansa ang mga mamimili.

(CHRISTIAN DALE)

55

Related posts

Leave a Comment