KASONG GRAVE THREATS PINABABASURA NI VP SARA

KINUMPIRMA ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nito ang kopya ng motion to quash na inihain ni Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng kasong grave threats na isinampa laban sa kanya.

Inihayag ito ni Prosecutor General Richard Fadullon sa isang press briefing matapos hilingin ni Duterte na ibasura ang kaso.

Ayon kay Fadullon, natanggap ng korte ang mosyon ng depensa nitong Martes at inatasan ang prosekusyon na magsumite ng sagot o komento sa loob ng limang araw.

“We are expecting to get hold of the copy before the end of the week, and we will be filing our comment forthwith,” ani Fadullon.

Sinabi ni Fadullon na hindi pa natatanggap ng prosekusyon ang kopya ng motion to quash kaya hinihintay pa nila ito bago isumite ang kanilang tugon sa korte.

Ayon sa DOJ, nakadepende sa magiging desisyon ng korte sa mosyon ni Duterte ang susunod na hakbang ng prosekusyon sa kasong grave threats laban sa pangalawang pangulo.

(JULIET PACOT)

44

Related posts

Leave a Comment