Mahigit 1K residente lumikas PUMPING STATION NI QUIMBO SA MARIKINA, PUMALYA

PUMALYA ang pumping station na inilagay ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo sa Barangay Tumana sa kasagsagan ng sama ng panahon noong Lunes.

Dahil sa pagpalya ng pumping station na nauna nang pinagmalaki ni Quimbo, tumaas ang tubig-baha hanggang beywang bandang alas-dos ng hapon.

Dakong alas-3 naman ng hapon, nang mapilitang lumikas sa Concepcion Integrated School ang nasa 169 pamilya, na katumbas ng mahigit 1,000 residente
Nasa 93 pamilya, o 558 indibidwal, ang nananatili sa mga silid-aralan para sa elementarya.

Umabot naman sa 76 pamilya o 415 indibidwal ang ginagamit bilang pansamantalang tahanan ang mga silid-aralan para sa high school.

Agad namang rumesponde ang lokal na pamahalaan, kabilang ang City Health Office, para suriin ang kalusugan at magbigay ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga lumikas na residente. (EG)

112

Related posts

Leave a Comment