PINAG-AARALAN ng Senado ang posibilidad na dagdagan ang oras o araw ng pagdinig para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at sa deliberasyon sa 2027 national budget.
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na kabilang sa kanilang isasaalang-alang ang mga naging suspensyon o pagpapaikli ng mga pagdinig dahil sa masamang panahon at pagbaha.
Para sa impeachment trial, sinabi ni Gatchalian na sa ngayon ay wala pa umanong malaking epekto sa kanilang schedule ang mga naging suspensyon ng pagdinig.
Gayunman, pinag-aaralan na nila ang mungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri na ibalik sa hapon ang impeachment trial upang magkaroon ng mas mahabang oras para dito, habang isinasagawa naman sa umaga ang plenary sessions.
Samantala, sa budget hearings, titingnan din ng Senado kung kinakailangan ang pagdaraos ng mga pagdinig kahit Sabado upang makahabol sa kanilang timetable.
“Well, worse comes to worst, Saturday we can make that as an option. For hearings. Kung kakailanganin,” pahayag ni Gatchalian.
(DANG SAMSON-GARCIA)
69 