MAYOR HONEY GUMAWA MULI NG KAUNA-UNAHANG RECORD SA KASAYSAYAN NG MAYNILA

SA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Maynila, ang lokal na pamahalaan sa ilalim ng administrasyon ng city’s first lady Mayor, Honey Lacuna, ay ginawaran ng much-coveted Seal of Good Local Governance (SGLG).

Ang highly-prestigious seal, na iginawad sa Manila City government ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes, December 9, 2024 sa makasaysayang Manila Hotel, ay personal na tinanggap nina Lacuna at Vice Mayor Yul Servo. Ang mga pinuno ng lahat ng departamento sa pangunguna ni City Administrator Bernie Ang, ay naroon din upang i-cheer si Lacuna.

Ang SGLG ay sumisimbolo sa dedikasyon at efficiency ng Manila LGU sa ilalim ng pamamahala ni Lacuna, sa pagtataguyod ng good local governance kung saan umiiral ang transparency, integrity at excellent delivery of services sa lahat ng nasasakupan nito.

Gaya ng dati, hindi inako ni Lacuna ang credit sa nasabing karangalan, sa halip ay pinasalamatan niya ang lahat ng city officials at kawani. Sa kanilang tulong at dedikasyon na nagresulta sa pagkakagawad ng SGLG sa lungsod. Pinasalamatan din ni Lacuna ang mga residente ng Maynila sa kanilang pakikipagtulungan at suporta.

“Hindi natin makakamit ang SGLG nang ako lamang mag-isa. Taos-puso akong nagpapasalamat sa lahat ng aking kasamahang nagtatrabaho sa pamahalaang-lungsod ng Maynila. Sa sama-sama nating pagsisikap, walang imposible,” saad nito. (JESSE KABEL RUIZ)

88

Related posts

Leave a Comment