BINIGYANG-DIIN ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, chairman ng Labor and Employment Committee ng House of Representatives, kailangang lumipat sa climate-resilient agriculture and fisheries para maiwasan ang mga epekto ng mga sakuna sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.
“We need to prioritize the shift to agriculture and fisheries that can cope with the harsher effects of climate change.
The sooner we do this, the sooner we can help our farmers and fisherfolk escape the ever-deepening mire of poverty,” pahayag ni Nograles.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), ang nasira sa agriculture at fisheries sector dahil sa Typhoon Egay ay umabot ng P1.53 bilyon.
Ito ay nakaapekto sa 99,272 magsasaka at mangingisda sa walong rehiyon, hanggang noong Hulyo 30.
Ayon sa report ng DA, nakapagtala ng pagkawala ng tinatayang 66.075 metric tons (MT) ng mga produktong agrikultura katulad ng rice, corn, high value crops, livestock and poultry, at fisheries, sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos region (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3), Calabarzon (Region 4), Mimaropa (Region 4-A), Western Visayas (Region 6) at Caraga (Region 13).
Bukod sa crop seeds, drugs at biologics para sa livestock at poultry, at fish fingerlings, sinabi ng DA na ang mga magsasaka at mangingisda ay maaaring makapag-loan ng halagang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery Loan Program mula sa Agricultural Credit Policy Council.
Ayon pa sa mambabatas, ang livelihood ng mga magsasaka at mangingisda ay nanganganib sa tuwing may bagyo.
Sinabi niya na mas nangangailangan ng tulong ang sektor na ito sa kasalukuyan bukod pa sa pagbibigay ng ayuda pagkatapos ng bagyo.
“Until we transform our systems of agriculture and fisheries, our farmers and fisherfolk will be dependent on aid that will never be enough to recoup their losses,” ayon pa sa mambabatas.
“At sa panahon gaya ngayon na sunod-sunod ang bagyo, na ang nasalanta ay mas masasalanta pa, lumalalim ang problemang dinaranas nila,” dagdag pa nito.
(JOEL O. AMONGO)
212