MAGBEBENTA NG YOSI MALAPIT SA ISKUL HUHULIHIN — MMDA

mmda12

(NI DAVE MEDINA)

MAGHIHIGPIT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  sa bentahan ng sigarilyo
ng mga tindahan malapit sa mga eskwelahan.

Ayon kay MMDA chairDanny Lim, sa muling pagsisimula ng mga klase sa Lunes ay magiging abala ang kanyang mga tauhan sa pagpapatupad ng kanilang mandato kabilang ang pagtiyak na nasusunod ang mga batas laban sa paninigarilyo at pagbebenta nito lalo sa mga pampublikong lugar.

Naaayon din, aniya, ang kanilang gagawing pagpapasunod sa batas sa pagtiyak na magiging ligtas ang kalusugan ng mga mamamayan.

Tiyakan ding magsasagawa umano sila ng inspeksyon sa mga tindahan sa distansiyang 100 metro sa paligid ng mga paaralan para tiyaking walang nagbebenta ng sigarilyo, at maging ng mga e-cigarettes.

Para higit namang maging epektibo ang kanilang operasyon ay magsasagawa rin ng information and education campaign sa mga mag-aaral, mga may-ari at tindera ng tindahan,  maging sa mga pampublikong sasakyan hinggil sa batas na gumagabay sa paninigarilyo.

Idaragdag na rin nila sa operasyon kaligtasan ng mga mag-aaral ang pagpipintura  nila ng mga pedestrian lanes sa paligid ng mga paaralan para siyang tawiran, at maging malinaw na nakikita ng mga pedestrian laluna ng mga motorista.

 

144

Related posts

Leave a Comment