RAPE SUSPECT NA PASTOR, HULI SA PNP-ZAMBALES

0

“EVIL acts cannot be shielded through forms of worship.”

Ito ang pahayag ni Zambales Provincial Director P/Col. Romano V. Cardiño matapos na madakip ng kanyang mga tauhan ang isang “lobo na nag-anyong tupa” na suspek sa paulit-ulit na panggagahasa sa menor de edad na tagasunod, pitong taon na ang nakalilipas, Ayon kay Col. Cardiño, dinakip ng Botolan Municipal Police Station, ang suspek na si Richard Gutierrez Elmin, pastor at church leader ng Jesus is the Christ Church Congregation, at residente ng Purok 1, Brgy. Palis (Loob Bunga), Botolan, Zambales.

Una rito nakipag-ugnayan, ang mga operatiba ng Bongabong Municipal Police Station, Oriental Mindoro Provincial Police Office-PRO4B, 305th RMFB3 at 1st PMFC-Zambales  PPO, para magsagawa ng law enforcement operation laban sa suspek na may nakabinbing kaso ng 5 counts of rape in Relation to RA 7610 (child abuse).

Si Elmin ay pakay ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Harry D. Jamisola, presiding judge ng RTC Branch 41, 4th Judicial Region, Pinamalayan, Oriental Mindoro  at walang piyansang nirekomenda.

Base sa police record, noong taong 2015 ay ginahasa umano ng pastor ang isang alyas “Connie,” menor de edad na estudyanteng mula sa bayan ng Bongabon, Oriental Mindoro, isang parishioner  ng Jesus is the Christ Church Congregation kung saan pastor ang suspek.

Nang nasabi ring taon ay naisampa ng mga magulang ng biktima ang kaso hinggil sa umano’y paulit-ulit na panghahalay ng suspek sa biktima.

At nasundan pa ito ng ilang sexual advancements complaint laban sa suspek.

Upang makaiwas sa reklamong kinahaharap ay nagtago ang suspek hanggang sa matunton ng mga mga tauhan ni Col. Cardiño sa Purok 3, Brgy. Bancal, Botolan, Zambales sa tulong ng komunidad.

Ani Cardiño, “The intelligence logistics of PNP Zambales has always worked for us. We only execute based on the information we gather.

That’s where the cooperation of the community plays a very vital role in our mission to eradicate crimes.”

Dinala muna sa Dr. Florentino C. Doble Memorial Hospital ang suspek para sa medical examination bago dinala sa Botolan MPS at ikinulong sa kanilang lock-up jail. (JESSE KABEL)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment