NOONG Biyernes ng umaga, ipinahayag ng tagapagsalita ni ΒPangulong Rodrigo ΒDuterte na si Atty. Harry Roque ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), Region 3, Region 4A at iba pang lugar na mataas ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na sa halip na matatapos sa Abril 30 ay aabutin pa hanggang Mayo 15.
Okray na marami ang nagrereklamo na hirap na sila sa nangyayari sa buhay nila dahil hindi nga sila makalabas ng kani-kanilang bahay para Βmaghanap-buhay sapagkat tigil muna ang trabaho upang maipatupad ang Βsocial distancing.
Okray na okray din na bagaman sobra-sobra na ang hirap na pinagdaraanan ng maraming mamamayan dahil na rin sa kawalan ng plano ng gobyerno sa kung papaano magiging pantay-pantay ang ayuda sa tao ay tuloy-tuloy rin ang pagiging pasaway ng marami na hindi nila alam na sila ang dahilan kung bakit mas lalong nagtatagal ang Βquarantine period Β dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID-19.
Super okray naman ang Department of Social Welfare and ΒDevelopment (DSWD) dahil hindi Βnaging pantay-pantay ang pamamahagi ng mga ito ng social amelioration Β na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 bawat buwan Β na dapat sana ay makinabang ang lahat ng pinakamahirap na mamamayan subalit sa totoo lang Β ang mga dating istambay, hindi pa man dumarating ang coronavirus, ang silang nakinabang.
Pinakaokray ay ang mga reklamador na wala namang naitutulong sa pamahalaan kung paano Βmapagtagumpayan ang laban sa mabagsik na virus subalit sila pa ang Βmaraming sinasabi na laban sa Βgobyerno. Kung sanaβy nanatili na lang sa bahay nila ay hindi sana sumakit ang ulo ng pamahalaan at hindi sana napikon sa Βpagiging pasaway nila kaya ngayon naging sobrang higpit na at nauwi pa sa lockdown.
Okay ang mga lugar na wala pang residente na tinamaan ng coronavirus dahil posibleng masabi na talagang nag-iingat ang mga ito at totoong sumusunod sa mga panuntunan nang ipinapatupad na Βsocial distancing.
Okay na okay rin ang mga barangay Β official na patuloy na namamahagi Β ng ayuda sa kanilang mga nasasakupan na walang pinipili maging ang mga ito ay botante o hindi, residente o dayo.
Super okay ang mga alkalde na nakaagapay sa mga mamamayan na umaasa sa ayudang ipinamamahagi ng una at hindi inuuna ang mga Βkamag-anak incorporated na laging nakanganga sa Βbiyayang dapat ay napapamahagi sa lahat at hindi sa iilan.
258 