MULA SA BANTAYOG PATUNGO SA BAGONG HENERASYON NG MANUNULAT

SA tabi ng bantayog ni Lope K. Santos ay sina (R-L)  Mr Geremie Rosalejo ng Pateros Catholic School; Rene Roy Cagalingan mula sa Komisyon ng Wikang Filipino member ng LIRA, UMPIL at SPP; Ms Char Genir, Filipino Teacher adviser ng Courier student school organ ng Pateros catholic; Francis Yumul, SPP President at Pao Luzada, member ng SPP.
ANG Bantayog at Tandang Pang-alaala kay Lope K. Santos (1879–1963), dakilang manunulat na Pasigueño at Ama ng Balarilang Filipino, ay matatagpuan sa hardin ng Pasig Knowledge Center, dating Pasig City Public Library.
Dito nagsimula ang paggunita ng Samahang Pangkasaysayan ng Pasig sa Buwan ng Wika bago nagtungo ang mga kabataang manunulat sa makasaysayang Bahay na Tisa para sa panayam at lektura sa pagsulat ng katutubong tula.
Isang paalala: ang wika ay hindi lamang salita—ito ay bahagi ng ating kasaysayan, pagkakakilanlan at alaala. (Mga larawan mula sa SPP)
79

Related posts

Leave a Comment