ASF OUTBREAK SA RIZAL, BULACAN IDINEKLARA  NG DA

(NI KIKO CUETO)

NAGDEKLARA na ng outbreak ng African Swine fever ang Department of Agriculture (DA) sa tatlong lugar sa lalawigan ng Rizal at sa Bulacan.

Ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes, ito ay base sa confirmation tests na kanilang inilabas.

Kabilang sa may outbreak ng ASF ang Guiguinto, Bulacan maging ang sa Rodriguez at Antipolo sa Rizal.

“So far there are no other places included, but we are monitoring reports … at pinapaigting pa naming ngayon ang monitoring and quarantine protocols,” sinabi ni Reyes.

Noong Setyembre 9, kinumpirma ng DA na 14 sa 20 na blood samples ng baboy na ipinadala sa lugar na may ASF ang nagpositibo.

Nakuha ito mula sa mga baboy sa tatlong barangay sa Rizal kung saan 100 baboy ang namatay.

“Yung Rizal po kasi, if it’s a new case it can be considered as an outbreak,” sinabi naman ni Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo.

Ayon sa World Organization for Animal Health (OIE) ang outbreak ay ‘the occurrence of one or more cases in an epidemiological unit’ o grupo ng mga hayop na parehong sakit.

 

 

222

Related posts

Leave a Comment