(NI ABBY MENDOZA)
NAKATAKDANG manumpa bilang bagong Nationalista Unity Party(NUP) member si Presidential son at Davao Rep. Paolo Duterte sa Agosto 6.
Ang NUP, isang major party ay pinamumunuan ni dating Interior secretary Ronaldo Puno.
Ang batang Duterte ay hindi pa kaanib ng anumang political party maliban sa kanyang itinatag at pinamumunuang
Hugpong ng Tawong Lungsod (HTL) na nakabase sa Davao.
Ayon kay Antipolo 1st District Rep. Roberto Puno, adopted member na ng NUP si Duterte bago pa ito pormal na sumanib sa kanila.
Ilang sources naman ang nagkumpirma na ang pagsanib ni Duterte sa NUP at hindi sa kinaaanibang partido ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ay dahil sa hindi umano nito nagugustuhan ang paksyon sa loob mismo ng PDP Laban.
138