SUPORTA SA MINDANAO PALALAKASIN NG JAPAN

abe12

(NI BETH JULIAN)

PALALAKASIN ng Japan ang suporta nito para sa patuloy na pagkamit ng tunay na kapayapaan sa Mindanao.

Sa pakikipagkita sa Japan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Prime Minsiter Shinzo Abe, sinabi ng huli na hangad niyang maging matagumpay ang prosesong pangkapayapaan sa Mindanao.

Sinabi ni Abe na malaki ang mga infrastructure development sa Mindanao para matigil na ang pagsanib sa mga terorista o armadong grupo ng mga mahihirap na residente sa rehiyon.

Ayon pa kay Abe, mahalaga na sa pinakamaagang panahon ay maramdaman ng mga taga Mindanao, lalo na ng mga Moro, ang tunay na kapayapaan at pag unlad kaya nangako ito kay Pangulong Duterte na patuloy na susuportahan ang infrastructure development sa pamamagitan ng mga de-kalidad na proyekto sa mga bansa.

Samantala, kabilang pa sa napag- usapan nina Pangulong Duterte at Abe ang mas marami pang kooperasyon sa pag-upgrade o pagpapahusay ng kapabilidad pang-depensa ng Pilipinas kabilang na ang maritime security.

Dito ay posible na ring buksan ng Japan ang kanilang pintuan para tumanggap ng mga dayuhang skilled workers kabilang na ang prayoridad sa mga Filipino.

 

161

Related posts

Leave a Comment