PPE ng China, mas mura ng 49% DATOS NI HONTIVEROS ‘PEKE’ – DBM

IPINAMUKHA ng Department of Budget and Management (DBM) kay Senadora Ana Theresia “Risa” Hontiveros na “peke”ang impormasyon nitong P1 bilyong “overpriced” ang nabiling personnel protective equipment (PPE) sa China.

Ipinarating ni Undersecretary Lloyd Christopher Lao kay Honteveros na mas mura ng 49 porsiyento ang nabiling set ng PPE mula sa China.

Dahil dito, nakatipid ng P800 milyon ang DBM nang bumili ito ng set ng PPE sa China upang magamit ng Department of Health (DOH), diin ni Lao, Officer in Charge-Executive Director of the

Procurement Service of DBM (PS-DBM), kay Hontiveros.

Matatandaang isang bilyon ang sinabi ni Hontiveros na sobrang halaga ng PPE na nabili sa ilang kumpanya sa China.

Ani Lao, ibinigay sa kumpanya ng China ang pitong set ng PPE nitong Abril hanggang Mayo dahil ito lamang ang pasado sa walong pirasong set ng PPE na ang presyo ay itinakda sa P2,000.

Aniya, sa panahong ito ay walang pumasang kumpanya ng mga Filipino na walong pirasong PPE na siyang “standard” ang kalidad, alinsunod sa itinakda ng DOH.

Idiniin ni Lao na ang PhilPharma Wealth Inc. na nagsosolong kumpanyang Filipino na nagbebenta ng PPE ay hindi pumasa sa kalidad ng PPE na itinakda ng DOH.

Tinumbok ni Lao na ang presyo ng PhilPharma Wealth Inc. ay P2,873 na 30.39 porsiyento ang taas sa itinakdang presyo ng DOH na P2,000.

Ang alok ng kumpanyang nakabase sa Chona ay P1,773.51 na 38.27 porsiyentong mababa sa presyo ng PhilPharma Wealth.

Umabot din sa 11.32 porsiyento na higit na mababa sa hininging presyo ng DOH.

Ipinaalala ni Lao kay Hontiveros na kahit noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ay mas mahal ang presyo ng lokal na mga kumpanya kaysa sa China. (NELSON S. BADILLA)

212

Related posts

Leave a Comment