NATUTULUNGAN NG PITMASTER FOUNDATION, LALONG DUMARAMI

HINDI maitatanggi na dumarami pa ang mga manggagawang tinatamaan ng Alert Levels 3 at 4 na ipinatutupad ngayon sa halos 100 lugar sa bansa.

Siyempre, sila ang mga kuwalipikadong mabigyan ng P5,000 one-time cash assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) na COVID Adjustment Measures Program (CAMP).

Sabi ng DOLE, ginawang online ang proseso para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.

Aba’y puwede rin naman daw tulungan ang construction workers.

Kung maaalala, nauna nang hinikayat ng DOLE ang mga employer na sila na ang mag-apply para sa lahat ng empleyado.

Paliwanag ng ahensya, ito’y dahil may mga kakailanganing dokumento, gaya ng temporary o permanent closure report at payroll o listahan ng mga sinasahurang manggagawa.

Uubra din naman daw ang individual application.

Gayunman, hihingian pa rin ang manggagawa ng notice of termination o layoff o ‘di kaya ay notaryadong affidavit na nagpapaliwanag kung paanong natigil sa trabaho.

Kung tatanungin naman ang National Federation of Labor Unions (NAFLU), malabo ito dahil maraming manggagawa ang may problema sa kanilang mga employer.

Nabatid na sa monitoring ng DOLE, tinatayang 500 individual applications at 112 establishments na may mahigit 1,000 manggagawa ang nakapagsumite na ng online application para sa CAMP.

Ang mga ganitong ayuda ay kailangan talaga ng mga manggagawa.

Sa kabilang banda, alam n’yo ba na hindi lang naman ang public sector ang tumutulong sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong panahon ng pandemya?

Ito’y dahil may mga samahan o grupo na nagbibigay ng tulong sa iba’t ibang sektor tulad ng Pitmaster Foundation, Inc.

Kamakailan nga, namahagi ang Pitmaster ng P50 milyon cash assistance at antigen kits na nagkakahalaga ng P50 milyon sa mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Pitmaster Executive Director Atty. Caroline Cruz: “This is our contribution to the government to have mass testing in every city at NCR, and immediately isolate those infected to avoid the virus spread among families and co-workers.”

Sinabi ni Cruz na hindi nila maaaring pabayaan ang LGUs o Local Government Units na hirap din sa kanilang badyet ngayong krisis.

“Ayon po kasi sa mga eksperto, ang hindi maagap na detection ng may COVID-19 ang dahilan kaya mabilis po ang pagkalat ng virus sa NCR ngayon,” sabi ni Cruz.

Mismong si Pitmaster Foundation Chairman Charlie “Atong” Ang daw ang nag-utos na mamahagi ng tulong sa LGUs.

Ang Metro Manila Development Authority (MMDA) naman ang tumanggap ng mga donasyon.

Kung hindi ako nagkakamali, tinatapos na ang pamamahagi ng donasyon sa bawat lokal na gobyerno.

Ang Pitmaster ay ang corporate social responsibility arm ng electronic sabong o e-sabong na kasalukuyang namamayagpag sa Pilipinas.Tinututulan ng ilang mambabatas ang grupong ito.

Subalit napakalinaw nang ipinamamalas na adbokasiya ng Pitmaster kaya dapat natin itong suportahan.

Saludo ako sa inyo, mga bossing.

Mabuhay po kayo at God bless!

Related posts

Leave a Comment