NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine na ang paghahandang ipinag-utos ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner sa hukbo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) na maging handa nang maging frontliner sakaling lusubin ng China ang Taiwan, ay patungkol sa pagliligtas sa 250K overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Taiwan. Ito umano ang nais na paghandaan ng NOLCOM dahil tiyak na maaapektuhan ang Pilipinas sakaling mangyari ang hindi inaasahang pagsalakay ng China sa Taiwan na itinuturing nilang teritoryo at probinsiya lamang nila. Ayon kay Col. Francel…
Read MoreOVP TUTULUNGAN MGA PINOY NA INARESTO SA QATAR
INIHAYAG ni Vice President Sara Duterte na tutulungan ng kanyang tanggapan ang mga Pilipinong inaresto matapos magsagawa ng political demonstration sa Qatar noong nakaraang linggo. Sa katunayan, makikipag-ugnayan ang Office of the Vice President (OVP) sa ibang ahensiya para pag-usapan ang tulong na maaaring ipagkaloob sa mga inarestong Pinoy. Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang na hindi aabandonahin ng gobyerno ng Pilipinas ang mga inarestong Pinoy at tutulungan ang mga ito. “Obligasyon pa rin po ng ating pamahalaan, ng administrasyon, ang mga Pilipino anuman po ang kulay nila, wala po tayong…
Read MoreHIRIT NA TRO VS SERVO ‘DI KINATIGAN NG KORTE
IBINASURA ng Manila Regional Trial Court (MRTC) Branch 40 ang petisyon para sa temporary restraining order at writ of preliminary injunction na isinampa ni Councilor Joel Villanueva laban kay Vice Mayor Yul Servo at mga konsehal mula sa Asenso Manileño na nag-iisang dominant at ruling local party sa kabisera ng bansa. Ito ang ibinunyag ni Manila Congressman Rolan Valeriano (2nd district) sa kanyang kapasidad bilang mataas na opisyal ng partido at sinabi pa na binigyang kredibilidad ng korte ang isinumiteng dokumento at testimonya ng Asenso Manileño councilors. Idinagdag pa nito…
Read MoreMATIYAGANG HOUSE-TO-HOUSE CAMPAIGN NG TRABAHO SA MAKATI, MAY ‘NILAGA’ NA
“PAG may tiyaga, may nilaga.” Iyan ang magandang manifestation sa karanasan ni TRABAHO Party-list nominee Ninai Chavez sa kanyang pagdalo sa National Women’s Month celebration sa Makati City Hall noong Marso 23, 2025. Ibinahagi ni Chavez na ikinatuwa niya na nagbubunga na ang kanilang “house-to-house campaign” sa mga residente ng Makati sa kanilang mga bahay at mga tindahan. “Nakakakilig na sila na ngayon ang lumalapit sa min dahil naalala nila na pumunta kami sa bahay nila!,” pagbabahagi ng TRABAHO nominee. Noong nagsimula ang kampanya ay tulung-tulong umano ang mga nominee…
Read MoreHOUSE TO HOUSE NG TEAM NI YORME DINUMOG
DINUMOG ng mga residente si dating Manila Mayor “Isko Moreno” Domagoso nang magsagawa ng house-to-house campaign sa tatlong barangay sa Tambunting, Sta.Cruz, Maynila noong Martes, Abril 1. Sa kanyang pagbabahay-bahay, hindi naitago ng mga residente partikular ang mga lolo’t-lola ang kanilang pagkasabik na makita ang dating alkalde. Karamihan ay hindi naiwasang yumakap at humalik kay Domagoso sa sobrang tuwa na muli nilang nakadaupang-palad ang minamahal nilang alkalde. Kasabay ng paghiyaw ng mga tagasuporta na naniniwala sa magandang nagawa ni Domagoso sa lungsod at sa mga Manilenyo, umaasa silang makababalik siya…
Read MoreKasunod ng magnitude 7.7 quake sa Myanmar DND-OCD INATASANG IHANDA ANG BANSA VS ‘THE BIG ONE
INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Department of National Defense-Office of Civil Defense (OCD) na ihanda ang bansa sa malalaking kalamidad na posibleng tumama sa Pilipinas gaya ng malakas na lindol na yumanig sa Myanmar at kumitil ng mahigit 2,000 katao. Ayon kay OCD National Director USec. Ariel Nepomuceno, nais ni Pangulong Marcos na makabuo ng long-term solutions pagdating sa usapin ng mga natural calamity, kabilang na ang pinangangambahang “The Big One”— isang 7.2 magnitude earthquake o higit pa, na maaaring tumama sa bansa partikular sa urban areas.…
Read MoreCHIEF OF POLICE NG STA. ANA CAGAYAN PATAY SA AKSIDENTE
PATAY ang hepe ng Sta. Ana Police Station matapos na tumaob ang minamaneho nitong kotse makaraang salpukin ng isang van sa Sitio Limbus, Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan. Kinilala ang biktimang si PMaj. Ranolfo Gabatin, hepe ng Police Station ng Sta. Ana, residente ng Centro East, Sta. Teresita, Cagayan. Pansamantalang nakadetine ang nagmamaneho ng van na si Joseph Munzon, 56-anyos, magsasaka, residente ng Sitio Racat, Brgy. Rapuli, Sta. Ana, Cagayan. Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon, kapwa binabagtas ng van at kotse ang kahabaan ng national road sakop ng Sitio Limbus…
Read MoreSEN. PIA INENDORSO NI GOV. GARCIA
ITINAAS ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kamay ni Senator Pia Cayetano bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa muli nitong pagtakbo sa Senado. Si Cayetano ang unang kandidato sa pagkasenador na sinuportahan ng gobernador noong Pebrero 26. Ang kanilang pagtutok sa pagpapalakas ng kababaihan, de kalidad na edukasyon, at abot-kayang serbisyong pangkalusugan ay sumasalamin sa kanilang layunin na mapaunlad ang buhay ng mga Cebuano. (Danny Bacolod) 316
Read MoreLIBONG OFWs LUMUSOB SA TARLAC GYM BILANG SUPORTA SA AKO-OFW PARTY-LIST
DINALUHAN ng libo-libong overseas Filipino workers (OFW) ang oath taking ceremony kamakailan sa Tarlac, City. Inimbitahan ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles ang AKO-OFW para mas lumaganap pa ang mga adbokasiya at plano na tututok sa pangangailangan ng mga OFW. Kasama ang kanilang pamilya, mainit na tinanggap ang mithiin na maipaabot sa kanila ang nais na tulong at proteksyon ng AKO-OFW party-list at ipagpapatuloy ang kanilang nasimulan. Ayon kay AKO-OFW 1st nominee at Chairman Dr. Chie Umandap, nagtutugma ang layunin ng AKO-OFW at ni Tarlac City Mayor Cristy Angeles na…
Read More