2 RUSSIAN DIVERS PATAY SA ATAKE NG PATING SA BATANGAS

DALAWANG turistang Russian ang namatay habang nag-i-scuba diving makaraan umanong atakehin ng pating sa karagatan malapit sa Pulong Bato, Brgy. San Agapito, Isla Verde sa Batangas City noong Huwebes ng hapon, Kinilala ang isa sa mga biktimang namatay na si Maksim Melekhov. Ayon sa ulat ng Batangas Coast Guard Station, bandang ala-una ng hapon nang mangyari ang insidente habang nagsasagawa ng scuba diving ang apat na Russian nationals kasama ang kanilang master diver sa bahagi ng Pulong Bato malapit sa Verde Island. Bigla umanong lumakas ang agos ng tubig sa…

Read More

KOREAN NATIONAL NATAGPUANG PATAY SA APARTMENT

CAVITE – Natagpuang patay ang isang Korean national sa loob ng inuupahang apartment makaraang hindi makarating sa kanyang naka-iskedyul na paglalaro ng golf sa bayan ng Silang noong Huwebes ng umaga. Hinihinalang may ilang oras nang patay nang matagpuan ang biktimang si Seon Jun Baek, 67, may asawa, at nanunuluyan sa isang apartment sa Brgy. San Vicente 2, Silang, Cavite. Ayon sa personal na caddie ng biktima, nagtaka siya nang hindi ito nakarating sa pang-umagang laro ng golf sa Riviera Golf Club dahilan upang tawagan subalit hindi sumasagot ang biktima.…

Read More

BINATILYONG MOST WANTED SA RAPE, TIKLO

ARESTADO ang isang binatilyo na itinuturing na most wanted person sa kasong rape, sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig City noong Pebrero 25, 2025. Ayon sa ulat na nakarating kay PCol. Villamor Tuliao, district director ng EPD, kinilala ang suspek na si alyas “LCD,” 16-anyos, may kasong 2 counts ng statutory rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code may kaugnayan sa Section 5 ng R.A. 8369. Sinabi pa ni Tuliao, inihain ng mga operatiba sa suspek ang…

Read More

1 PATAY SA KARAMBOLA NG 3 MOTORSIKLO

RIZAL – Dead on arrival ang isang motorcycle rider matapos magkarambola ang tatlong motorsiklo sa kahabaan ng Manila East Road, Sitio Bulacan 1, Brgy. Bagumbayan sa bayan ng Pililla dakong alas-7 ng umaga noong Pebrero 27, 2025. Kinilala ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal PNP, ang mga sangkot sa insidente na sina Jessie Masarap, 43, angkas nitong security guard din ng Pililla Wind Power Corporation na si Arvin Ocab, 31; at maglive-in partner na sina Michael Babehis, 40, at Lynn Baldemoro, 37, ng Caloocan City. Samantala, kinilala naman…

Read More

‘RECTO UNIVERSITY’ SINALAKAY, 3 ARESTADO

TATLO katao ang arestado sa pagsalakay ng mga tauhan ng District Intelligence Division (DID) ng Manila Police District, sa tinaguriang “Recto University” sa Claro M. Recto Avenue sakop ng Sampaloc, Manila, na talamak sa paggawa ng pekeng mga dokumento. Ang mga suspek na kinilalang sina alyas “Nol”, 34; “Lala”, 49; at “Mar” 49, ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 172 (Falsification of Public Documents) ng Revised Penal Code. Ayon kay Police Captain Joel Aquino, hepe ng Tracker Team, kay Police Lieutenant Colonel John Guiagui, bandang alas-3 pasado hanggang alas-5:00 ng…

Read More

ABOGADO AT SUPPORTERS NG ATEACHER NOMINEE NAGBABALA NA KAKASUHAN ANG MGA MANINIRA KAY MS. RODRIGUEZ

NAKAHANDA ang ilang abogado at tagasuporta ng ATEACHER nominee na si Virginia Rodriguez na magsampa ng kaso laban sa mga indibidwal na gagawa ng mga paninira laban sa kanya at sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat, may ilang grupo ang nagsasagawa ng smear campaign laban kay Ms. Rodriguez matapos na tumaas ang rating ng ATEACHER party list sa numero uno, base sa mga survey na isinagawa kamakailan. Umapela ang mga abogado at tagasuporta ni Ms. Rodriguez sa publiko na i-report ang sinumang indibidwal o grupo ng mga taong sangkot upang…

Read More

Casino Plus Pays Out ₱99.99M Grand Jackpot! Jin Ji Bao Xi Gold Jackpot Maxed Out!

Jin Ji Bao Xi Gold Grand Jackpot Winner at Casino Plus The wait is over! A lucky player has just made history by hitting the ₱99,999,999.99 Grand Jackpot on Jin Ji Bao Xi Gold with a P88 spin, marking the maximum jackpot possible for this game across all casinos and gaming platforms in the Philippines. This ₱99M jackpot is enough for a single person to buy a brand-new car every five years for the next 495 years. When asked about his reaction to winning, the lucky player couldn’t contain his…

Read More

SENADO NAGHAHANDA NA SA IMPEACHMENT TRIAL

SA kabila ng paninindigan na sa pagbabalik-sesyon pa masisimulan ang proseso sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, ipinag-utos na ni Senate President Chiz Escudero sa mga tanggapan sa Senado na maghanda na sa paglilitis. Naglabas ng special order si Escudero para sa pag-organisa ng administrative support para sa Senado. Sa ilalim ng special order 2025-015, itinalaga si Senate Secretary Renato Bantug bilang clerk of court o bilang clerk ng impeachment court alinsunod sa Rules of Procedure sa impeachment trial. Ang Clerk of court ang tutulong sa presiding officer…

Read More

MAHARLIKA FUND ‘PIGGY BANK’ NG CRONIES

(PRIMITIVO MAKILING) LALONG lumilinaw na ang Maharlika Investment Fund (MIF) ay magsisilbing “piggy bank” ng malalaking negosyante at cronies ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa pinapasok na investment ng mga ito. Ginawa ni dating Congressman Carlos Zarate ang pahayag kasunod ng pag-iinvest ng Maharlika Investment Council (MIC) sa Makilala Mining Company sa kanilang operasyon sa Cordillera region partikular na sa lalawigan ng Kalinga. “The Marcos Jr. administration has once again proven that the Maharlika Fund is nothing but a massive piggy bank for questionable investments that benefit big…

Read More