MALL VOTING INFO CAMPAIGN SA SENIORS ISINUSULONG

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa pamunuan ng 42 malls na gagamiting voting precints sa papalapit na midterm elections na magsagawa ng information and education campaign sa hanay senior citizens at may kapansanan. Ayon kay Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, dapat ipaalam sa senior citizens at PWDs na maaari silang makaboto sa malls sa eleksyon sa Mayo. “Lubusin na ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng information and education drive na ang seniors at PWDs ay komportable na makakaboto sa malls,” saad ni Ordanes. Umapela rin ang namumuno sa House Committee…

Read More

DQ VS TULFO HINDI PAABUTIN SA ELEKSYON

RERESOLBAHIN ang disqualification cases na inihain laban kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo bago ang halalan, ayon kay Comelec Chairman George Garcia ngayong Huwebes. Si Tulfo ay nahaharap sa dalawang disqualification cases, ang pinakabago ay inihain noong Martes dahil sa mga batayan ng moral turpitude na nagmula sa kanyang libel conviction gayundin sa kanyang isyu sa citizenship. Bukod kay Tulfo, ang kanyang kapatid at kapwa senatorial candidate na si Ben at ang natitirang tatlo pang miyembro ng Tulfo clan ay sinampahan ng disqualification case dahil sa mga akusasyon sa political dynasty.…

Read More

MARBIL ‘NILAGLAG’ SA BUSWAY CONTROVERSY

(CHRISTIAN DALE) MISTULANG nagkalaglagan na matapos hindi ipagtanggol ng Malakanyang ang kontrobersya sa pagdaan sa busway ng convoy na sinasabing kay Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil. Kahapon ay binalaan ng Malakanyang ang mga aabuso sa EDSA Busway kasunod ng kontrobersyal na isyu na ikinabit kay Marbil na nangatwiran na may emergency meeting kaya nagtangkang dumaan sa bahaging iyon ng kalsada ang kanilang convoy. Sinabi ni Presidential Communications Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi nila kukunsintihin ang mapang-abusong pag-uugali ng gagamit ng EDSA Busway. Pinaalalahanan din…

Read More

Former Army chief nurse pilots nationwide health grassroots program

A retired chief nurse of the Philippine Army has launched a grassroots-oriented program that aims to nurse the country’s environment and citizens back to good health. Using a huge portion of her prize money from a prestigious global nursing award, Col. Maria Victoria “Mimi” Juan piloted today in Pasay the initiative dubbed BeOne, which stands for Barangay Empowerment on Nursing the Environment. “Applying everything I learned from the military, I am now hoping to give back to the country in the most meaningful and impactful way possible, which is through…

Read More

6 SUGATAN SA SALPUKAN NG MOTOR AT 2 BUS

QUEZON – Malubhang nasugatan ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang salpukin ng kasalubong na pampasaherong bus sa ECO Tourism Road, sa Brgy. Guis-Guis San Roque sa bayan ng Sariaya sa lalawigan maghahating gabi noong Miyerkoles. Dahil sa biglaang salpukan, napahinto ang sumalpok na bus dahilan para mabangga naman ito sa likuran ng kasunod na isa pang pampasaherong bus na ikinasugat naman ng apat na pasahero ng nito. Ang mga nasugatan sa motorsiklo ay kinilalang sina Kurt Idea, driver; at Renz Perez, back rider. Ayon sa report ng Sariaya Police,…

Read More

ABANDONADONG KOTSE, IKINAALARMA NG MGA RESIDENTE

CAVITE – Ikinaalarma ng mga residente ang halos tatlong buwan nang abandonadong kotse sa isang barangay sa bayan ng Silang sa lalawigan. Ayon sa ulat ng Silang Municipal Police Station, Disyembre pa noong nakaraang taon nang iparada ang puting sasakyan na isang KIA Rio Sedan na may plakang UVD 912, sa Longon, Barangay San Miguel 2, Silang, Cavite. Ayon sa mga residente, inakala nilang ipinarada lamang ito ng may-ari sa lugar subalit halos tatlong buwan na ang nakararaan ay hindi pa ito kinukuha o ginagalaw man lamang, na kanilang ikinaalarma…

Read More

STL COLLECTOR PATAY 1SA TARAK NG KAALITAN

LAGUNA – Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa ospital ang isang STL collector makaraang umano’y patraydor na saksakin ng lalaking nakaalitan sa harap ng isang convenience store sa Brgy. Sampaloc, sa bayan ng Pagsanjan noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala ang biktimang si Mark Angelo De Mesa, 39, residente ng Brgy. San Isidro, Pagsanjan. Batay sa kuha ng CCTV, bandang alas-5:00 ng umaga, makikitang nag-uusap ang biktima at ang suspek na kinilalang si Angelo Ablir, 23, sa bangketa ng intersection ng national highway at Agawin Road. Sa hindi malamang dahilan, nagalit…

Read More

DALUPAN ST., DATING GASTAMBIDE SA MAYNILA INIREKLAMO

RAPIDO NI TULFO INIREKLAMO sa amin ang kaliwa’t kanang parking at maging ang sidewalk vendors diyan sa Dalupan St., dating Gastambide sa lungsod ng Maynila. Sa kaakibat na video na ipinadala sa amin ng concerned citizens, makikitang puno ng mga tao at sasakyan ang isang bahagi ng naturang kalye na tumutugma sa reklamong natanggap namin. Agad namin itong inilapit sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority sa opisina ni Chairman Ron Artes, upang aksyunan ang reklamo sa pamamagitan ng sidewalk and illegal parking clearing operations na pinangunahan ni Gabriel Go.…

Read More

MAGTIWALA

HOPE ni Guiller Valencia ANG paksang nais kong bigyang pansin ngayon ay ang salitang “magtiwala”. Ito ay katagang madaling sabihin ngunit mahirap gawin. Basically, ang Pilipino ay madaling magtiwala kahit kanino o sa ano pang bagay. Sa panahon ngayon, tila baga nasa panahon tayo ng maraming pagdududa at hindi basta nagtitiwala sa ating kapwa o sa sistema. Marahil, sa ating pamilya ay lubos tayong may tiwala o dili kaya sa ating mga kaibigan. Subalit marami ring mga kaibigan ay hindi rin tapat sa atin at ipinagkakanulo pa tayo. Gayundin ang…

Read More