KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari PASKO NA. Pero parang hindi nararamdaman ng mga Pilipino ang selebrasyon ng taunang okasyon. Hubad sa mga dekorasyong pampasko ang maraming kabahayan. Bihira ang mga nakasabit na parol sa harapan ng bahay. Hindi rin naririnig sa paligid ang pumapailanlang na mga awiting pamasko. Sa loob lang ng malalaking shopping malls mayroong tanda ng kapaskuhan dahil may mga dekorasyon. Maraming tao na namamasyal at nagpapalamig pero konti lang ang namimili. Iisa lang ang posibleng dahilan. Maraming mamamayan ang naghihirap ngayon sa buhay. Ang kinikita…
Read MoreCONTEMPT ORDER SA MAG-ASAWANG ROQUE MALABO PANG BAWIIN
WALA pang kasiguraduhan kung babawiin ng Quad committee ang contempt order laban sa mag-asawang Harry at Mylah Roque kahit tatapusin na ang imbestigasyon sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa panayam kay Quad Comm chairman Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, otomatikong lifted ang lahat ng contempt order sa mga resource person kapag tinapos na ang imbestigasyon. Gayunpaman, sa kaso aniya ng mag-asawang Roque, pag-uusapan pa ng komite kung babawiin ng mga ito ang contempt order lalo na’t hindi pa isinusumite ng mga ito ang mga dokumentong hinihingi sa…
Read MoreLTFRB KAKANSELAHIN PRANGKISA NG GRAB
KAKANSELAHIN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Grab Philippines dahil sa ginagawa nitong pagpasa ng 20-percent discount para sa pasaherong persons with disabilities (PWDs), estudyante at senior citizen sa kanilang mga driver. Nabuking ang ginagawang ito ng Grab sa pagdinig ng Senate committee on Public Services nang komprontahin ang kinatawan ng grupo ukol sa madalas na kanselasyon ng mga driver kapag PWD, estudyante at senior citizens ang pasahero. Napag-alaman kay TNVS Community Philippines spokesperson Saturnino Ninoy Mopas na pinapasagot pala ng Grab sa mga driver…
Read MorePAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG QUEZON NAKAMIT ANG 2024 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE
MALUGOD na tinanggap nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Third Alcala kahapon (Disyembre 10) sa Tent City, Manila Hotel ang 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Governor Tan, ang nasabing pagkilala ay parte ng patuloy na paghahatid ng Good Governance na nakapaloob sa kanyang HEALING Agenda, kung kaya’t ang pagkakatanggap ng parangal ay isang pruweba ng tunay at epektibong serbisyo para sa lalawigan ng Quezon. “It’s a concerted effort of everyone, and it’s a…
Read MoreVILLAR SUPORTADO MANDALUYONG
NAGPAHAYAG si Senator Cynthia A. Villar, chairperson ng committee on Environment and Natural Resources ng kanyang suporta sa pamahalaan ng Mandaluyong City. Humarap si Mayor Benjamin Abalos at mga kinauukulang ahensiya sa pagdinig ng Senado kung paano maaayos at mapauunlad ang Welfareville property na nagbigay garantiya sa mga 30,000 residenteng nakatira sa nasabing lupa, nagpahayag ng suporta ang senadora sa aksyon ng lungsod. (DANNY BACOLOD) 152
Read MorePAGGAMIT NG CIF HIHIGPITAN NA
HIHIGPITAN ang paggamit ng confidential at intelligence funds (CIF) ng lahat ng ahensya ng gobyerno kasama na ang Office of the President (OP) upang masiguro na nagagamit ito sa tamang paraan. Kahapon ay tinapos na nang tuluyan ng House committee on good government and public accountability ang kanilang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023. Dalawang panukalang batas ang nabuo ng komite sa resulta ng kanilang imbestigasyon na kinabibilangan ng “An Act Regulating…
Read MoreKapag umusad Sara impeachment PANUKALANG BATAS MATETENGGA SA SENADO
APEKTADO ang mga panukalang batas na kailangang tapusin ng Senado kapag natuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, maraming priority measures ang Kongreso na dapat tapusin bago matapos ang 19th Congress at kung sakaling umabot sa Senado ang impeachment case ay maraming panukalang batas ang madedelay ang pag-apruba. Tiyak aniyang maraming prayoridad na panukala ang magiging second priority na lamang at wala silang magagawa kundi tutukan ang impeachment sa ayaw man nila o gusto. Duda rin si Gatchalian kung may sapat pang…
Read MorePINOY WATAK-WATAK SA AKSYON NG KAMARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG isinisi ni SAGIP Party-List Rep. Rodante Marcoleta sa mga kapwa mambabatas ang pagkakahati-hati ngayon ng mga Pilipino. Inamin ng kongresista na hindi na siya masaya sa Kamara. Habang sinasabi aniya ng mga kongresista na magkaisa tungo sa pangangalaga sa bansa ay nais naman ng mga itong ipa-impeach si Vice President Sara Duterte. Binigyang diin niya na mas maraming problema ng bansa ang dapat atupagin ng Kongreso sa halip na impeachment na lumilikha ng pagkakawatak-watak ng mamamayan. Tila pinatutsadahan din nito ang Kamara na inaagawan ng…
Read More405 SA 677 TUMANGGAP NG OVP CONFI FUNDS PEKE
(BERNARD TAGUINOD) MAHIGIT 400 sa halos 700 pangalan na isinumite ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) na tumanggap ng confidential funds ay hindi totoong mga tao. Ito ang kinumpirma ng Philippines Statistics Authority (PSA) sa House committee on good government and public accountability na nag-imbestiga sa confidential funds ng OVP at Department of Education na dating pinamunuan ni Vice President Sara Duterte. Kahapon ay muling nagpulong ang nasabing komite para isara ang imbestigasyon sa confidential funds ng OVP at DepEd kung saan isiniwalat ng…
Read More