WALANG FOREVER SA POWER

DPA ni BERNARD TAGUINOD MULING napatunayan na walang forever sa mga abusado at corrupt na political leaders kapag napuno na ang taumbayan lalo na kapag pilit na silang itinutulak sa pader at inaalisan ng karapatan. Ang pagbagsak ng diktador ng Syria na si Bashar al-Assad matapos ang 24 taong pang-aabuso, katiwalian, pananamantala, ang isang patunay na hindi habambuhay ay hahayaan ng taumbayan na magpatuloy ang kanilang pamumuno. Actually, kalahating siglo ang paghahari ng kanyang pamilya kung isasama mo ang 30 taong pamumuno ng kanyang ama. Talagang darating at darating sa…

Read More

PASASALAMAT SA AMA

At Your Service ni Ka Francis BAGO matapos ang taong ito ay kinakailangang pasalamatan natin ang Amang nasa langit, sa mga pagpapala sa atin. Bagama’t dumanas din tayo ng mga pagsubok nitong nagdaang taon, ito ay lalong nagpatatag sa akin sa paniniwala sa ating Ama. Kung baga sa ating bahay, kung hindi ito dinadaanan ng mga kalamidad ay hindi natin titibayan ang pagkakagawa nito. Kaya habang binibigyan tayo ng mga pagsubok sa ating buhay ay lalo pang tumitibay ang ating paniniwala sa Ama. Kaya anomang dagok na inabot natin nitong…

Read More

ANO NA ANG NANGYARI SA IMBESTIGASYON SA ANOMALYA NG TUPAD NOONG PANDEMYA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NOONG 2009, inilunsad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD). Isa itong emergency employment program na ang layunin ay para tulungan ang mahihirap na walang trabaho, mga nawalan ng trabaho dahil sa kalamidad at iba pang kadahilanan. Napakaganda ng layunin ng TUPAD at marami na itong natulungan, kasama na rito ang mga nasa “informal sector” o ‘yung mga taong walang regular na trabaho, kagaya ng mga nagtitinda sa bangketa, kargador sa palengke at iba pa. Sa ilalim…

Read More

CHILD Haus Christmas Tree of Hope

Si Ginoong Hans Sy, Chairman ng Executive Committee ng SM Prime Holdings, kasama si Carol Sy ang kanyang asawa at beauty icon na si Ricky Reyes, ay nakiisa sa pagdiriwang ng pagbibigay ng regalo kasama ang mga benepisyaryo ng CHILD Haus para sa taunang Christmas party nito. Ang kaganapan, na ginanap ngayong araw, Disyembre 8, sa CHILD Haus Manila, ay may temang “CHILD Haus Christmas Tree of Hope.” Sa pagdiriwang, limang batang may kanser na natapos na ang kanilang paggamot ang nabigyan ng napakagandang regalo na makauwi bago ang Pasko,…

Read More

BOC EMPLOYEES PINASISIBAK OPISYAL NA NANININGIL PARA SA TRAVEL AUTHORITY AT PROMOTION

ISANG liham ang ipinarating ng rank and file ng Bureau of Customs (BOC) kay Comm. Bienvenido Rubio hinggil sa paniningil umano ng isang opisyal ng aduana sa mga empleyado sa tuwing sila ay mag-aapply ng travel authority para makapagbiyahe. Ang travel authority ay kailangan ng mga kawani ng gobyerno kapag sila ay mag-aabroad para sa isang seminar, schooling o bakasyon. Hiling ng mga empleyado kay Comm. Rubio na sibakin ang isang opisyal ng Internal Administration Group (IAG) dahil sa paniningil ng bayad para sa simpleng travel authority issuance gayong libre…

Read More

P21.6-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT

TINATAYANG aabot sa P21.6 million ang halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes na nasabat sa inilunsad na joint law enforcement operation ng Bureau of Customs at Philippine National Police sa bayan ng Pio Duran sa lalawigan ng Albay. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio, kahon-kahon ng mga undocumented na sigarilyo ang nasamsam ng kanilang mga tauhan katuwang ang iba pang mga law enforcement agencies, sakay ng isang motor banca dagat saklaw sa bayan ng Pio Duran. Bukod sa kontrabando ay dinakip din ng Aduana katuwang…

Read More

KASO NG PINASLANG NA BFAR OFFICIAL PINATUTUKAN NG PNP

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Philippine National Police na tutukan ang kaso ng pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Davao del Norte. Nilikida ng hindi pa nakikilalang suspek ang biktima na kinilalang si Karen Candilosas, isang senior aquaculturist ng BFAR National Mariculture Center sa Panabo City ng nasabing lalawigan. Target naman ng manhunt operation ang hindi pa nakikilalang suspek na sinasabing bumaril sa biktima habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Purok Marang sa Barangay Cagangohan, Panabo City kamakalawa ng umaga. Lumitaw sa inisyal…

Read More

OPISINA NG SIMBAHAN SINALAKAY NG KAWATAN

QUEZON – Tinangay ng hindi nakilalang kawatan ang mahigit P300,000 cash at $800 US dollars mula sa accounting office ng Gumaca Pastoral Formation Center sa Barangay Rosario, sa bayan ng Gumaca sa lalawigan noong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ng dalawang accounting clerk ang insidente nang pumasok sila sa opisina bandang alas-8:00 ng umaga at nadiskubre na bukas na ang kanilang mga locker. Batay sa CCTV footage, bandang alas-12:44 ng madaling araw nang makitang pumasok ang suspek sa pamamagitan ng pagsira sa grills ng comfort room at…

Read More

DELIVERY VAN SWAK SA BANGIN, 2 SUGATAN

SOUTHERN LEYTE – Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang delivery wing van na nahulog sa bangin sa bayan ng Pintuyan sa lalawigan dakong alas-12:00 ng tanghali noong Biyernes. Naipit ang driver sa loob ng cab ng van na nawasak ang bubong at nabasag ang salamin. Nakatalon naman ang pahinante bago nahulog sa bangin ang truck ngunit grabe ring nasugatan makaraang bumagsak sa kalsada, habang nagkalat sa kalsada ang tumilapong dry goods na karga ng van. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, patungo sa direksyon ng kasunod na bayan ng…

Read More