2 HVIs NA TULAK KULONG SA P714K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya, matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam ang tinatayang P714,000 halaga ng umano’y shabu sa Bacoor City, nitong Linggo ng madaling araw. Nasa kustodiya na ng Bacoor Component City Police ang suspek na sina alyas “Tol” at “Leonard”. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 kahapon ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Bacoor Component City Police Station, Drug Enforcement Unit (DEU) sa…

Read More

HALF CUP RICE: DIYETA SA KATAWAN AT BULSA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PUNO na ng bigas ang salop kaya dapat nang kalusin nang maisaing at hindi matapon. Sayang. Pero ‘yung umaapaw na sa salop ng problema tungkol sa bigas ay hindi pa rin sinasaing at iniinin. Tapos, eto muling isinusulong ng Department of Agriculture (DA) at Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang polisiya na mag-oobliga sa mga restaurant, canteens, at mga kainan na magbenta ng half rice. Rice is life nga naman kaya dapat walang tira at hindi sinasayang dahil, ika nga, ito ay grasya at biyaya. Teka,…

Read More

CHAVIT 500, PAG-ASA PARA SA BAWAT PILIPINO

TARGET NI KA REX CAYANONG SA panahon ng matinding kahirapan at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang panukala ni dating Gobernador Chavit Singson na tinawag na Chavit 500, ay nag-aalok ng isang sinag ng pag-asa para sa mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan. Ang pangako niya ng P500 buwanang ayuda para sa mga walang trabaho, kabilang na ang below minimum wage earners na madalas na hindi napapabilang sa mga benepisyo ng gobyerno, ay isang makatao at makabagong hakbang tungo sa pag-angat ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino.…

Read More

MAAASAHANG SERBISYO NG KURYENTE PARA SA MAS MARAMI PANG PILIPINO

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO HINDI maikakaila na patuloy pa rin ang mga pagsubok sa sektor ng enerhiya, lalo na kapag panahon ng tag-init kung kailan talagang sumisipa ang demand sa kuryente. Nito nga lang nakaraang summer, record-breaking ang init at ang naitalang demand sa kuryente sa buong bansa – at dahil sa kakulangan ng suplay, ilang lugar sa bansa ang nakaranas ng rotating power interruptions o pagkaantala sa serbisyo ng kuryente. Magugulat ka na lang na ang problemang ito ay patuloy pa ring nararanasan dito sa bansa. Sa kabila…

Read More

SUPORTA SA WAR ON CORRUPTION NI ATTY. RODRIGUEZ LUMALAWAK

(JOEL AMONGO) PATULOY na umaani ng suporta mula sa sambayanang Pilipino ang itinutulak ni dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na war on corruption. Ito ang napatunayan sa isang pagtitipon kamakailan sa Brgy. Hall ng Barangay Balibago, Angeles City, kasama ang mga dumalong kinatawan mula sa Bataan, Aurora, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at iba pa. Ang bawat kinatawan mula sa nabanggit na mga lugar ay nagbigay ng kani-kanilang paninindigan upang suportahan ang war on corruption. Sa pananalita ni Atty. Rodriguez sa harap ng mga kinatawan mula sa naturang mga lugar…

Read More

ROBREDO PINANGUNAHAN ANG TURNOVER NG MEDICAL SUPPLIES SA 27 ‘KRISTINE-HIT’ BARANGAYS SA NAGA CITY

LUBHANG nakaapekto ang pinsalang dulot ng Tropical Storm Kristine nitong mga nakaraang buwan sa iba’t ibang sektor sa Naga City. Nagsagawa ang Angat Buhay at si dating vice president Leni Robredo, ng masusing pagsusuri ng barangay health centers na sinira ng Bagyong Kristine. Kasunod ng pagsusuring ito, humingi sila ng donasyon para mapunan ang medical supplies sa mga center na ito, alinsunod sa Manual of Standards ng Department of Health. Sa pamamagitan ng suporta mula sa mga partner — Metrobank Foundation, Inc., at iba pa — nakapagbigay sila ng kumpletong…

Read More

CONFI FUND HEARING SA OVP, DEPED STOP NA

ITITIGIL na ng House committee on good government and public accountability ang kanilang imbestigasyon sa confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) dahil sa dalawang impeachment case na isinampa laban kay Vice President Sara Duterte. Ito ang kinumpirma kahapon ng chair ng komite na si Manila Rep. Joel Chua kaya hindi na umano matutuloy ang imbestigasyon na unang itinakda ngayong araw, Lunes, bagkus ay ang mga mambabatas na lamang ang magpupulong. “Kapag ito (impeachment vs VP Sara) ay inaksyunan na ng Kongreso, babagsak…

Read More

MANONG CHAVIT NAKISAYA SA SUMBINGTIK FESTIVAL

SA kabila ng paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa public service, nakisaya si senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson sa selebrasyon ng Sumbingtik Festival 2024 sa Cainta, Rizal. Ang Sumbingtik Festival – na halaw sa mga sikat na produkto ng Cainta na suman, bibingka at latik – ay ipinagdiriwang upang itampok sa buong mundo ang cultural at culinary heritage ng probinsya. Ngayong taon ay kasama si Manong Chavit sa mga nakiisa sa mga taga Barangay Sto. Niño para maipakita ang likas na kagalingan ng mga taga-Cainta pagdating…

Read More

SENADO SISILIPIN NAPAKALAKING SURGE FEE NG GRAB

SISILIPIN ng Senado ang napakalaking price surge na sinisingil ng Grab car sa mga pasahero nito, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan. Nakatakdang magsagawa ng hearing sa susunod na linggo ang committee on Public Services at committee on Local Governments ukol sa napakaraming reklamo sa price surge ng Grab. Bago ito, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz na nagsasagawa na ang ahensiya ng imbestigasyon ukol sa algorithm na ginagamit ng Grab para kuwentahin ang pamasaheng sinisingil sa mga customer. Ayon kay Guadiz, base sa…

Read More