SA kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa smuggling, hindi matatawaran ang papel na ginagampanan ng mga impormante. Katunayan, walang matagumpay na anti-smuggling operation kung walang impormanteng maglalakas-loob.
Ito mismo ang dahilan kung bakit ipinatupad ang isang Βpolisiyang gantimpala para sa mga impormante. Sa ilalim ng nasabing polisiya, 20% ang sa kanila, depende sa halaga ng napurnadang kargamento.
Ang siste, parang hindi naman yata nakukuha nang buo ang katumbas na gantimpala. Ito mismo ang hinanakit ni Felicito Mejorado na sumugal at ngayon ay nagtatago laban sa nakaambang peligrong dala ng sindikatong kanyang nabulilyaso taong 1997.
Aniya, ang kanyang imporΒmasyon ang nagbigay daan para makolekta ng BOC ang tumataginting na P4 bilyong halaga ng smuggled na langis noong panahon pa ng administrasyong pinamumunuan ni Pangulong Fidel V. Ramos.
Ang dapat sana’y P800 milyong pabuya, ginawang hulugan β sukdulang mawaglit nang Βmagpasalin-salin ng administrasyon. Hindi kaya kinaltog na ng mga nagkalat na ganid sa Βgobyerno? Hindi naman siguro. Katunayan, nakabinbin sa Department of Budget and Management (DBM) ang mga dokumentong hudyat para maΒkuha niya ang sadyang para sa kanya.
Giit ni Mejorado, aprubado na ng BOC, Bureau of Treasury at Department of Finance ang naturang pondong katumbas ng kanyang gantimpala. Pero sa hindi mawaring kadahilanan, biglang naipit at nawaglit.
Ang masaklap, nakatanggap na si Mejerado ng paunang P67 milyon mula sa gobyerno, Βpatunay na lehitimo ang kanyang giit na kinokolektang pondo. Nang sumapit ang takdang Βpanahon dapat na kukubra siya, ang gantimpala ng impormante nauwi sa wala β sa madaling salita, nganga!
Gustuhin man ni Ginoong Mejorado, hindi siya makalutang sa publiko makaraang ΒpagΒ-tangkaan ang kanyang buhay ng nasagasaang sindikato. Katunayan, kundi pa siya nagkunwaring patay, hindi siya marahil tinantanan ng mga Βarmadong kalalakihang pumasok sa kanyang tahanan.
Apela ngayon ni Ginoong Mejorado kay Pangulong ΒRodrigo Duterte, ibigay ang kahit man lang ang kanyang second tranche na ayon sa Bureau of Treasury
ay nakalagak bilang “trust fund” sa Philippine National Bank.
Ang siste, kailangan pa munang maglabas ng Notice of Cash Allotment (NCA) order ang DBM, bagay na ayon sa isang Βkasangga ko sa Palasyo ay Βpinipiit ng isang mala-butanding sa lapad na opisyal sa Palasyo.
Sa puntong ito, tanging solusyon ay ang tikas ng Pangulo. Kumpas lang niya, sapat na para ilabas ng DBM ang iniipit na Βdokumento, bago pa man pumanaw ang magiting na impormante ng gobyerno.
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
(Si Fernan Angeles ay Βeditor-at-large ng SAKSI Ngayon)
353 