NAIS ng Malakanyang na beripikahin ang ulat na umano’y lumipad kamakailan sa himpapawid na sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang moon rocket ng China.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, hindi siya magbibigay ng anomang pahayag hangga’t hindi nagkakaroon ng beripikasyon ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan ukol dito.
Binigyang-diin ni Sec. Roque, kailangan munang malaman kung may katotohanan ang balitang ito bago mag-isyu o magpalabas ng official statement ang Malakanyang.
Batay sa impormasyon mula sa isang astrophysicist, hindi dapat balewalain ang nasabing pangyayari dahil maituturing itong isang potensyal na banta sa seguridad ng Pilipinas at space security.
Matagal nang usapin ang pagiging banta ng China sa seguridad ng Pilipinas dahil sa mga inaangkin nitong teritoryo ng bansa. (CHRISTIAN DALE)
150 