BULACAN – Umabot sa 46 katao, kabilang ang top 5 most wanted person (MWP)sa Central Luzon at isang dosenang drug peddler, ang nadakip makaraang paigtingin pa ng Bulacan PNP ang police operation laban sa wanted at sangkot sa illegal drug sa lalawigang ito, nitong Sabado.
Base sa report na isinumite kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Offce (BPPO), 23 MWP ang nasakote ng Bulacan PNP at kabilang dito si Joselito Santos y Cruz, top 5 MWP sa Region 3 na nakorner ng Bulacan Police Intelligence Branch sa Muntinlupa City dahil sa kasong qualified rape.
Nakorner din ng tracker Team ng pulisya sa 24-oras na police operation ang 22 pang wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa Marilao, Meycauayan City, Bocaue, San Ildefonso, Bulakan, Calumpit, Plaridel, Malolos City, Norzagaray at Angat na may mga kasong murder, qualified theft, homicide, child abuse, robbery. Pawang nakadetine na ngayon ang mga suspek.
Labing-dalawang drug peddler naman ang nakorner ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bulacan PNP sa mga bayan ng Balagtas, Baliuag, San Ildefonso, Meycauayan City, Plaridel, Marilao, Malolos City, Angat at San Miguel.
Ang mga arestado na kabilang sa PNP/PDEA unified watchlist, ang mga nadakip matapos ang weeklong surveillance operation.
Umabot sa 25 pakete ng shabu at buy-bust money ang nakumpiska ng DEU operatives ng Bulacan PNP at dinala ang arestdong mga drug pusher sa Bulacan Provincial Crime Laboratory (BPCLO) para sumailalim sa drug test.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Labing-isa pang katao ang nadakip ng Bulacan PNP sa police response at implementasyon ng search warrant sa mga bayan ng Baliuag, Pandi, Marilao at Pulilan.
Mas pinatitindi ngayon ng Bulacan PNP ang kampanya laban sa kriminalidad, pagtugis sa wanted persons at giyera sa illegal drugs alinsunod sa kautusan ng PNP chief at P/Brig. Gen. Rhodel Sermonia, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3). (GINA BORLONGAN)
190